Dumaan pa raw sa mga bossing ng Dos… ROBI, INAMING SI JOHN LLOYD ANG NAG-EFFORT PARA MAGKABATI SILA

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 23, 2026

Photo: IG _iamrobidomingo _johnlloydcruz83
“Okay na, all is well,” sey ng TV host na si Robi Domingo tungkol sa naging kontrobersiyal na hindi nila pagkakaunawaan ng aktor na si John Lloyd Cruz.
Sa panayam sa kanya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), tinanong ng King of Talk si Robi kung nagkaayos na ba sila ni Lloydie.
Tanong ni Boy, “I don’t want to bring this up because this was controversial. Pero natutuwa ako na nagkaayos na kayo ni John Lloyd Cruz. Nagkaayos na ba?”
“Yes, yes,” mabilis na sagot ni Robi.
Sey ni Boy, “I’m really glad. You know why? I didn’t want to bring this up, but I decided to because ang hirap ng buhay natin sa industriya, gusto man natin o hindi, you get into problems.”
“Yeah, yeah,” sagot ni Robi.
Dagdag pa niya, “And it was unintentional, I guess it just happened on a whim. But in a nutshell, what I want to say is it’s done. I appreciate Kuya Lloydie kasi he reached out to different managers in Star Magic para maayos at du’n sa circle of friends namin. Okay na, all is well.”
In fairness, kapansin-pansin din na lalo pang gumuwapo si Robi ngayong isa na siyang ama.
Kaya tanong ni Boy, “How does it feel to be sexy?”
Nakangiting sey ni Robi, “I don't consider myself as a sexy person. I think I’m charming. I would agree to that, pero sexy is not my cup of tea.”
Tinanong din ni Boy si Robi kung paano nito hinaharap ang mga babaeng nakikipag-flirt sa kanya ngayong may asawa na siya.
“How do you handle it now, even now that you’re married, how do you handle it when girls, halimbawa, flirt with you?” tanong nito.
“I don’t respond, I don’t reciprocate. Kasi when people, especially girls, approach me, I just think of my son,” mabilis na sagot ni Robi.
Well, in fairness kay Robi, hindi lang siya charming at sexy, mabait pa. ‘Di ba naman, madlang people?
NAGBIGAY ng kani-kanilang bonggang sagot ang mga komedyanang sina Pokwang, Candy Pangilinan at Ethel Booba sa segment na Miss Q&A: Celebrity Edition ng noontime show na It’s Showtime. Silang tatlo ang natira matapos maligwak sina Alora Sasam at Verna Periwinkle sa unang round.
Sa nasabing segment, tinanong sila ng Unkabogable Star na si Vice Ganda kung ano ang kukumpleto sa kanilang pagkababae.
“I do believe na bilang isang babae, ang kukumpleto sa ‘kin ay isang, uh, pamilya na buo at may takot sa Diyos. Wala man akong partner ngayon, naniniwala ako na ang kumukumpleto sa ‘kin ngayon ay ang mga anak ko na napalaki ko nang mag-isa, nang maayos.
“At bilang isang ina, kukumpleto rin sa ‘kin ang magandang gobyerno para sa future ng mga anak ko. Kaya naman ito ang kukumpleto sa ‘kin at du’n ako naniniwala. Kung ‘di kayo maniniwala, wala akong paki, and I thank you,” sagot ni Pokwang.
Para naman kay Candy, ang pagmamahal at pag-aaruga sa kanyang anak ang nagbibigay-kumpleto sa kanyang pagkababae.
“Ang kukumpleto sa aking pagkababae, ang pag-aaruga ng isang tao na mayroong tunay na pagmamahal. Ang pagkukumpleto sa aking pagkababae, pag-aaruga ng aking mahal na anak na kahit anuman ang kanyang pinagdaraanan, kahit anuman ang sabihin ng ibang tao tungkol sa aking anak, ipaglalaban ko s’ya.
“Kung ano naman ang sabihin nila, kahit ito ay masama, sasabihin ko lang, mahal na mahal ko ang aking anak. Mahal na mahal ko ang aking bayan. Ito ang kukumpleto sa ‘kin pagdating sa pagkababae,” pahayag ni Candy.
Samantala, hindi naman nagpahuli si Ethel sa kanyang sagot at ibinahagi ang karanasan niya sa pagkakaroon ng karelasyon at pagiging ina.
“I believe, ladies and gentlemen, ito ay talagang sobrang seryoso. Nangyari na po talaga ito sa ‘kin. Dati kasi, nagkaroon ako ng dyowa, akala n’ya beki ako.
“Pero ang kumumpleto talaga sa pagkababae ko ay ‘yung nagkaanak ako. Si Mikaela, ito ay kaloob ng Diyos. Seryosong answer ‘to, mga kaibigan. And I believe, ladies and gentlemen, and I thank you,” sagot ni Ethel.
Sa huli, itinanghal na Grand Winner si Ethel Booba, habang 1st Runner-Up naman si Pokwang at 2nd Runner-Up si Candy Pangilinan.
Isang malaking congratulations sa kanilang lahat.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments