Search
  • BULGAR

Sa 25th anniv nila ni Sen. Kiko… SHARON, UMAMIN KAY KC NA 'DI OKAY ANG PUSO NIYA, TODO-IYAK

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 30, 2021




Naging sobrang emosyonal si Sharon Cuneta nang makausap niya via Face Time ang panganay na anak na si KC Concepcion. Bumati ang dalaga sa silver wedding anniversary nina Shawie and Sen. Francis “Kiko” Pangilinan last Wednesday (April 28).


Ipinost ni Sharon sa kanyang Instagram account ang pag-uusap nila ni KC at sa umpisa pa lang ay makikitang napaiyak na si Megastar.


Nagkaroon lang ng simpleng selebrasyon sa bahay ang pamilya at hindi nakarating si KC dahil biglaan lang daw ang dinner. Sey ni Sen. Kiko, hindi rin daw sila talaga nagplano.


Halatang may matinding pinagdaraanan ngayon si Sharon dahil sa isang part ng conversation nila ni Kc ay sinabi niyang, “My heart isn’t okay, but I’m okay,” sabay-iyak na naman. Makikita nga rin sa video na namamaga na ang mata ni Mega.


“I know. But Mom, it’s okay, there’s a reason for everything,” sabi naman ni KC.


Sumenyas si Shawie sa anak ng “hush" at pinatatahimik niya ito since ipo-post nga niya ang video call.


Ikinuwento rin ni Sharon na umiiyak daw siya since morning pa. “Too much going on, too many bad things,” sey pa niya.


Pag-ayon naman ni KC, “A lot, a lot happened.”


Sagot naman ni Shawie, “That’s why I’m not in a good place emotionally."


Maririnig naman ang boses ni Sen. Kiko na katabi lang ni Shawie. Sey niya, “God is in charge, God has a plan.”


In Shawie’s recent posts ay madalas niyang mabanggit na hindi siya okay ngayon and she’s going through something.


Sa Instagram page ni KC ay binati rin niya ang mom and dad niya sa ika-25 anibersaryo ng mga ito.


“25 years. What a feat! Happy SILVER anniversary mom & dad. It was such an honor to be your flower girl on your wedding day. I pray for many more years of love songs, home-cooked meals together, memorable travels, peaceful companionship and lots of love and laughter for the family - and especially for you both! Showering you with love. Thank you for everything you have done for us. We are truly grateful. xoxo, K," ang anniversary message ni KC.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.