top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sa 2 anak na lang daw mag-focus… FANS KAY LJ: MADALA KA NA SA LALAKI, 'WAG TODO-BIGAY!

BULGAR
Sep 7, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 07, 2021



Babalikan pa ba ni LJ Reyes ang kanyang career sa ‘Pinas ngayong nasa New York, USA na siya kasama ang 2 niyang anak?


For good na ba ang kanyang paninirahan sa Amerika o magre-recover lang muna sa masakit na paghihiwalay nila ni Paolo Contis?


Madali namang makakabangon si LJ dahil kasama niya sa Amerika ang kanyang mom at kapatid. Maraming daramay at magbibigay sa kanya ng moral support. Marami rin siyang kaibigan at fans na nakikisimpatya sa kanya ngayon.


At kung sakaling naka-move-on na si LJ, puwede pa niyang balikan ang kanyang acting career. For sure, tutulungan naman siya ng GMA Network.


Mahusay na artista si LJ Reyes. Patunay nito ay nang manalo siyang Best Actress noon sa 39th Gawad Urian via the movie Anino sa Likod ng Buwan.


Kung hindi siya na-in love kay Paolo Contis noon, tiyak na maraming magagandang projects ang kanyang nagawa. Medyo hindi na siya tumanggap ng daring role nang maging magkarelasyon na sila ni Paolo.


Ang payo lang kay LJ ng mga netizens ay ipahinga muna niya ang kanyang puso sa pag-ibig.


Naririyan naman ang dalawa niyang anak na sapat na upang magbigay ng ligaya at inspirasyon sa kanya. Darating naman ang kanyang Mr. Right sa tamang panahon. Hindi na niya ito kailangang hanapin pa.


At sana raw, kapag muling umibig si LJ, huwag nang todo-todo. Magtira naman siya ng para sa kanyang sarili upang hindi gaanong masaktan kapag sila ay naghiwalay. Wife material naman si LJ kaya hindi siya mahihirapang makatagpo ng bagong pag-ibig.


She deserves a better man. Isang lalaking hindi siya sasaktan at paiiyakin lamang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page