top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na

Sa 12 yrs. nilang mag-asawa… KARYLLE KAY YAEL: ‘WAG KANG BIBITIW BIGLA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 minutes ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 25, 2026



Karylle at Yael - IG

Photo: Karylle at Yael - IG



Marami ang naiyak nang mapag-usapan sa It’s Showtime (IS) ang kasalukuyang estado ng puso ni Ryan Bang, na isang challenge na nag-viral online.


Sa isang bahagi ng noontime show, napag-usapan ng mga hosts ang kanilang love life matapos silang tanungin ng Unkabogable Star na si Vice Ganda tungkol sa kanilang ‘current heart status’.


Unang nagpakilig si Ion Perez sa kanyang matamis na sagot kay Vice.

“Walang dulo ang pagmamahal ko sa ‘yo, irog ko,” saad ni Ion, na agad namang ikinakilig at ikinatuwa ni Vice.


Nagbiro naman si Vhong Navarro, “Ang haba naman ng hair mo.”

Samantala, nagbigay din ng kani-kanilang hugot ang iba pang hosts. 


Ayon kay Ogie Alcasid, “Nagmamahal at habambuhay na magmamahal.”


Si Cianne Dominguez naman, “Malamig, parang amihan. Yakap mo lang ang kailangang maramdaman.”


May hugot din si Darren Espanto, “Dating allergic sa pangmatagalan. Ngayon, ikaw lang ang gustong panindigan.”


“Nadurog parang paminta, kung may bubuo, sino kaya?” ani Ryan.

Napansin ni Vice ang pagbabago sa ekspresyon at mga mata ni Ryan habang nagsasalita, kaya tila hindi nito napigilang magbiro habang inaalo ang itinuturing niyang anak.


“Group hug for my baby,” saad ni Vice.


Agad namang napansin ng ibang hosts na tila naiiyak si Ryan.

“Naiyak naman si Ryan Bang namin!” komento ng kanyang mga kasama.


Ngunit mariing itinanggi ito ni Ryan. “‘Di ako naiiyak,” sagot niya.


Sinundan naman ito ni Vice ng biro, “Nagbibiruan lang kasi, bakit sineryoso mo?”

Dagdag pa ni Vice, “I love you. Buo ka.”

“Buo ako?” tanong ni Ryan.


“Oo, buo ka. Parang paminta,” sagot ni Vice, na muling nagpatawa sa studio.


Hindi lamang si Ryan ang naging emosyonal sa sandaling iyon. Napansin din ng mga kasama nila na tila naantig si Karylle habang nagsasalita si Ryan.


Sa halip na seryosohin ang moment, pabirong saad ni Karylle, “‘Yung enemy (Ryan) ko, ako lang puwedeng umaway kay Ryan.”


Nang si Karylle naman ang tanungin tungkol sa estado ng kanyang puso, kapansin-pansin ang kanyang ngiti.


“Ang puso ay inialay kay Mister, kaya 12 years ang tagumpay. ‘Wag kang bibitiw bigla, Yael,” saad niya, patungkol sa kanyang asawang si Yael Yuzon.


Dahil sa matamis na pahayag ni Karylle para sa kanyang mister, agad namang nagkomento si Vice Ganda.


Aniya, “Ito talaga ang spokesperson ng Sponge Cola.”

In fairness, kahit naging emosyonal si Ryan, napuno pa rin ng tawanan at good vibes ang naturang segment.





MAY mahalagang paalala ang aktres na si Dimples Romana para sa mga breadwinner na nakasanayang unahin ang pamilya bago ang sarili.


Sa isang panayam, ibinahagi ng aktres kung paano maaaring ma-enjoy ng isang breadwinner ang buhay nang hindi nakakaramdam ng guilt.


“Matutong mag-enjoy sa buhay nang walang guilt. ‘Di mo kailangang ubusin ang sarili mo para mapatunayan na mahal mo sila. ‘Di ka ipinanganak para mag-provide lang.


“You’re allowed to travel. You’re allowed to celebrate. You’re allowed to buy something for yourself. At higit sa lahat, you’re allowed to enjoy the life na pinaghirapan mong buuin para sa lahat,” saad ng aktres.


Well, big tumpak ka r’yan, Dimples.





NAGPASALAMAT ang aktor na si Alden Richards sa lahat ng naging bahagi ng kanilang outreach program sa Calumpit, Bulacan, kung saan nasa 2,000 pamilya ang kanilang natulungan.


Sa kanyang social media post, ibinahagi ng aktor ang kanyang pasasalamat sa mga organisasyon at kumpanyang tumulong upang maging posible ang kanilang outreach program.


Aniya, “A day I’ll always be grateful for. Thank you to everyone who made our outreach in Calumpit, Bulacan possible.”


Nagpasalamat din siya sa mga brands na sumuporta, na naging daan upang maabot at matulungan ang 2,000 pamilya sa komunidad.


Nagbigay-pugay din si Alden sa kanyang Myriad at AR Foundation, Inc. family na tumulong sa kanya na maisakatuparan ang kanyang hangaring makapagbigay ng tulong sa iba.


Dagdag pa ng aktor, patuloy siyang gagawa ng kanyang makakaya upang makapagbigay-pabalik sa komunidad, makatulong kahit sa maliit na paraan, at makapagbigay ng inspirasyon at malasakit sa buhay ng iba.


“Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi nito,” saad niya.

Anyway, you did a great job, Alden!

‘Yun lang, and I thank you.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page