Russia, nilinaw na walang nakitang plague sa namatay na lab technician

by BRT @News | October 6, 2026

Photo: Courtesy Taneèek David / CTK / dpa
Itinanggi ng mga opisyal ng Russia na plague ang ikinamatay ng isang 28-anyos na laboratory technician sa Siberia, matapos kumalat ang ulat na maaaring nahawa siya ng pneumonic plague dahil sa aksidente sa laboratoryo.
Ayon kay Irkutsk Governor Igor Kobzev, pneumonia na hindi pa matukoy ang sanhi ang ikinamatay ng babae. Wala rin umanong nakitang microorganism na konektado sa kanyang trabaho sa kanyang mga biological sample.
Samantala, sinabi ni US President Donald Trump na mahigpit nilang mino-monitor ang sitwasyon at handang tumulong ang US kung kinakailangan.
Tiniyak naman ng Kremlin na dapat umasa sa opisyal na pahayag ng health authorities at huwag sa “rumors and speculations.”





Comments