top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

RURU, IPINAGSIGAWANG SI BIANCA NA ANG GUSTONG MAKASAMA SA BUHAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 9, 2023
  • 1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 9, 2023



Sa guesting ni Ruru Madrid sa Fast Talk with Boy Abunda ay nakita ng lahat kung gaano kalaki ang pagmamahal nila ni Bianca Umali sa isa’t isa.


Nasa audience kasi si Bianca habang nakasalang si Ruru sa show at paminsan-minsan ay ipinapakita ang aktres sa camera.


Siyempre, isa sa mga napag-usapan ay ang kanilang relasyon. Natanong ni Kuya Boy ang bida ng Black Rider kung paano siya napatino ni Bianca.


Sagot ni Ruru, “Siguro, masasabi ko na nahanap ko ‘yung taong katapat ko. Totoo nga talaga ‘yun. Akala ko po dati, hindi totoo ‘yun.”

Nang dumating daw sa buhay niya si Bianca, iba ang naramdaman niya.


“Nang dumating siya sa buhay ko, I don’t know, for some reason, parang nakaramdam po ako ng spark at sinabi ko na ito na ‘yung gusto kong makasama sa buhay,” sey ng aktor.


Nagsigawan ang mga tao sa studio at ipinakita si Bianca na ngiting-ngiting tila kinikilig.


Seryoso pang sabi ni Ruru, “And hindi ko ‘yun naisip dati. But ngayon, sobrang proud ako na ipagmalaki na ‘yun ‘yung nararamdaman ko para sa kanya.”


Pagkatapos nito ay naluha na si Ruru at ipinakita si Bianca na naiiyak din. For a while ay makikita ngang pareho silang pahid nang pahid ng luha.


Well, in fairness, sila lang ang nakita naming couple na ganito ka-open sa kanilang love for each other at kitang-kita rin kung gaano sila ka-proud sa kanilang relasyon.


Honestly, sa nakikita naming love nila sa isa’t isa, deserve na deserve nila ang magkatuluyan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page