top of page
BIDA - UNVEILING NG WAX FIGURE NI KATHRYN, SA ‘PINAS GAGAWIN-FB Circulated.jpg

Round 4 ng bigtime oil price hike... P12.50 diesel, P2.50 gasoline, P2 kerosene

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 31
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | March 31, 2025



Harry Roque

Photo: File



Nadagdagan na naman ang penitensya ng mga motorista dahil sa panibagong taas-presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes.


Ilang kumpanya ng langis ang magtataas ng P12.50 kada litro sa diesel; P2.50 naman ang taas-presyo sa gasolina habang P2 sa kerosene.


Ang oil price adjustment na magiging epektibo ngayong Martes ay ikaapat na magkakasunod na linggong double digit ang itinaas ng presyo matapos pumutok ang giyera sa pagitan ng Iran, Israel at Amerika.


Inaasahang maglalabas din ng price adjustment ang ilan pang kumpanya ng langis para sa linggong ito.


Dahil sa krisis sa Middle East, sumirit pataas ang presyo ng langis at walang katiyakan kung kailan matatapos ang tensiyon at walang pangmatagalang supply ng langis ang Pilipinas.


Kumikilos na ang gobyerno para bumili ng supply sa ibang mga bansang hindi konektado sa Middle East.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page