Dagdag-presyo sa LPG sa Oktubre

ni BRT @News | September 23, 2026

Photo: DepEd / File
Asahan na ang dagdag-presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa Oktubre.
Ayon kay Atty. Rino Abad, director ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, mahal na ang presyo ng inangkat na supply ng mga LPG manufacturer ngayong Setyembre.
Ito’y matapos umanong tumaas ang presyo ng Dubai crude oil mula 90 US dollars kada bariles noong September 1, patungong 128 US dollars kada bariles noong September 16.
Kaya kahit bumaba aniya ang presyo ng Dubai crude oil kamakalawa sa 113 US dollars kada bariles, mahal na ang presyo ng supply na nabili ng mga manufacturer, na ipapasa sa mga konsyumer. (BRT)





Comments