Rondina at Pons, Fan's Choice Awardee ng unang AVC Gala
- BULGAR

- 6 hours ago
- 1 min read
by MC @Sports News | July 7, 2026

Photo: AVC
Inilabas ng Asian Volleyball Confederation (AVC) ang mga awardees sa unang AVC Gala sa pagtatapos ng pampublikong botohan, na kumikilala sa mga natatanging pagganap na nagbigay kahulugan sa Asian volleyball sa buong 2025 season sa Bangkok, Thailand.
Itinanghal si Yuki Ishikawa ng Japan bilang Outstanding Men’s Volleyball Player. Sa kababaihan, natanggap ni Mayu Ishikawa ang Outstanding Women’s Volleyball Player award.
Sa beach volleyball, mahusay ang duo ng Qatar na sina Cherif Younousse at Ahmed Tijan ang Outstanding Men’s Beach Volleyball Players award. Kinilala sina Asami Shiba at Reika Murakami ng Japan bilang Outstanding Women’s Beach Volleyball Players.
Ang Volleyball Coach of the Year ay si Ferhat Akbaş ng Japan women's team. Kinilala rin ang kahusayan sa pag-officiate ni Yuliya Akulova ng Kazakhstan ang Volleyball Referee of the Year awardee, habang si Wang Lijun ng China ay Beach Volleyball Referee of the Year dahil sa propesyonalismo, consistency, at dedikasyon.
Ang mga Outstanding Player, Volleyball Coach of the Year at Referee of the Year awards ay natukoy mula sa pinagsamang sistema ng pagboto na binubuo ng 70% boto ng AVC Committee at 30% boto ng volleyball fans sa Asya.
Ang bantog na beach volleyball tandem ng Pilipinas na sina Cherry Ann Rondina at Bernadeth Pons ay may 43,905 boto para sa Fans’ Choice Beach Volleyball Award, na inihandog ng Candon City. Pormal na pararangalan ang mga ito sa unang AVC Gala Awards Night sa Agosto 8, 2026, sa Bangkok, Thailand. Tinanggap ni AVC President Ramon Suzara ang matagumpay na paglulunsad ng unang AVC Gala at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkilala sa kahusayan ng mga nabanggit.





Comments