top of page
Gary V. - IG.jpg

Romualdez, posible raw tumakas, kaya ang tanong kay Remulla, ba’t di pa ikulong sa City Jail???

Writer: BULGAR
BULGAR
8 hours ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 11, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


KUNG ‘FLIGHT RISK’ SI ROMUALDEZ, DAPAT ALISIN NA SIYA SA OSPITAL AT IKULONG NA SA CITY JAIL — Itinuturing ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na “flight risk” o posibleng tumakas si Leyte 1st Dist. Rep., former Speaker Martin Romualdez, kaya marami siyang itinalagang pulis na magbabantay sa loob at labas ng ospital.


Ganun naman pala, eh, dapat alisin na siya sa ospital, dalhin at ikulong na sa city jail at doon na lang ituloy ang pagpapagamot sa mga nararamdaman niyang sakit, period!


XXX


NANG BIGYAN NI ROMUALDEZ NG TRAVEL CLEARANCE SI ZALDY CO, DOON PA LANG ALAM NANG SANGKOT SIYA SA FLOOD CONTROL SCAM — Noon pa man ay alam na ng publiko na sangkot si Romualdez sa flood control project scam.

Noon kasing si Romualdez pa ang Speaker at sa kasagsagan ng imbestigasyon sa flood control scandal, binigyan niya ng travel clearance si noo'y Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co para makalabas ng bansa. 


Kaya 'yung panay deny ng kampo ni Romualdez na wala itong kinalaman sa flood control scandal, wala nang maniniwala sa ganyang denial, period!


XXX


SEN. ALAN CAYETANO, BABALIK PA KAYA SA BANSA? — Matapos ianunsyo ng Ombudsman na iimbestigahan nila ang kuwestiyonableng flood control sa Taguig City at isinapubliko ng National Bureau of Investigation (NBI) na kakasuhan nila ang lahat ng sangkot sa overpriced na P55 million SEA (South East Asian) Games cauldron, ay lumabas ng bansa si Sen. Alan Cayetano, kasama ang kanyang misis na si Taguig City Mayor Lani at ate niyang si Sen. Pia.


Kaya't ang tanong: Babalik pa kaya sa Pilipinas si Sen. Alan Cayetano o “makikipag-taguan pong” na rin ito sa Ombudsman at NBI? Abangan!


XXX


DAHIL SA PAGKAKAKULONG AT PAGTATAGO NG DDS SENATORS, TAGILID SI VP SARA SA MAGIGING HATOL SA KANYA NG IMPEACHMENT COURT — Maraming law experts ang nagsabi na kung sino lang sa mga senador ang makakaboto sa impeachment court para sa conviction ni Vice President Sara Duterte, ay dun daw ibabase ang magiging resulta ng boto ng mga senator-judge, kasi ayon sa kanila ay wala naman daw nakalagay sa Konstitusyon na 16 boto, kundi ang nakalagay ay 2/3 votes ang kailangan para ma-convict ang isang impeachable officer.


Ibig sabihin niyan, kung hindi na babalik sa Pilipinas sina Sen. Alan Cayetano at Sen. Loren Legarda, at dahil nakakulong sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Rodante Marcoleta sa kasong plunder at nagtatago si Sen. Ronald dela Rosa na nahaharap naman sa kasong crimes against humanity, tagilid talaga si VP Sara sa magiging hatol sa kanya ng impeachment court, period!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page