Romualdez–Discaya link, dapat nang lantarin
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | January 19, 2026

Bidang-bida na naman si Senate Pro-tempore at Blue Ribbon Committee chairman Ping Lacson.
Siya ngayon ang laman ng mga balita.
-----$$$--
KUMBAGA sa teleserye, aastang kontrabida si ex-Speaker Martin Romualdez sa pagbabalik ng mga pagdinig sa Senado.
Excited ang viewers dahil ang eksena ay nakatuon sa “misteryosong bahay” sa exclusive village.
Tila “horror movie”, ini!
-----$$$--
Unang tanong: Sino ang naging front kuno ni Romualdez sa pagbili ng mamahaling house and lot sa isang exclusive village sa Makati City?
Ito ang inilahad ni Lacson, na kanyang iimbestigahan at uusigin ang alegasyon na ginamit umano ang mga kontratistang sina Curlee at Sarah Discaya bilang mga ‘front’ sa pagbili ng mamahaling house and lot.
-----$$$--
NAKIKIPAG-UGNAYAN na si Lacson sa dating owner ng nasabing property.
“Para pagkatiwalaan mo ‘yung isang contractor na nasasangkot sa P207.5 billion na kontrata mula 2016 hanggang 2025, napakalaki. So, kung merong connection, dapat maliwanagan natin, kung bakit ganu’n kalakas para ipagkatiwala mo ‘yung pagbili ng isang house and lot sa isang sikat na subdivision sa Makati City,” urirat ni Lacson.
-----$$$--
Nilinaw ng dating PNP chief na, sakaling mapatunayan na may link nga si Romualdez sa mga Discaya kaugnay ng pinag-uusapang ari-arian, posible aniya na may iba pa silang malalalim na transaksiyon.
Kung walang “relasyon”, okey naman. Ika nga ni Sen. Marcoleta, “lusot” na siya!
-----$$$--
BUKAS dapat tayo sa motu proprio investigation, at ito talaga ang hakbang kung talagang seryoso ang administration sa transparency at accountability.
Kumbaga, oportunidad din ito ni Romualdez na malinis ang kanyang pangalan na nadudungisan ng kanyang mga kritiko.
-----$$$--
NAUNA rito, ibinunyag mismo ni Navotas Rep. Toby Tiangco na si PBBM mismo ay tinanong nang harap-harapan si Romualdez kung ilang bahay, helicopter, at caviar pa ba ang kailangan nila ni Zaldy Co para sumaya.
Ayon kay Tiangco, nagalit si PBBM dahil inilipat nina Romualdez at Co ang budget ng flagship programs ng Executive sa unprogrammed funds.
-----$$$--
KUNG matatandaan ninyo, ‘yan ang dahilan kung bakit nag-expose mismo ang Pangulo tungkol sa flood control corruption sa kanyang July 2025 State of the Nation Address.
D’yan na nagsimula ang mala-teleseryeng imbestigasyon.
----$$$--
SA rurok ng imbestigasyon, ibinunyag mismo ni Co sa kanyang video series na naghatid siya kay Romualdez ng male-maletang pera na nagkumpirma sa expose ni Sgt. Guteza sa isang Senate Hearing.
Nakapagtatakang tila bulag, pipi, at bingi si Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa kabila ng mga naghuhumindig na testimonya at ebidensiya na nagtuturo sa dating speaker.
----$$$--
MISTULANG mas pinapaboran ni Remulla ang mga hearsay testimony, lalo na ang nagmula kay dating DPWH Usec. Roberto Bernardo na paulit-ulit na nagbago ng kanyang affidavit.
Nababahala ang ilan na tila iba ang script na hawak ni Bernardo na posibleng magpagulo ng sitwasyon.
Bahala na si Lacson, maghintay na lang tayo ng susunod na kabanata!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.








Comments