Anne at Jasmine, todo-displey daw ng katawan pero ayaw mabastos… RESBAK NG MADIR NI ANNE: CONG. SUNTAY AT ATTY. TOPACIO, PAREHONG BASTOS ANG BIBIG
- BULGAR

- 22m
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 10, 2026

Photo: FB Jasmine Curtis-Smith
Ilang linggo pa kaya tatakbo ang isyung Anne Curtis at Cong. Bong Suntay?
Nadaragdagan kasi ang mga personalidad na sumasawsaw.
Okey na ‘yung ipinagtanggol si Anne ng kapatid niyang si Jasmine Curtis-Smith at mga friends sa showbiz.
Humingi na rin ng sorry ang misis ni Cong. Bong Suntay na si Sheila Guevara-Suntay at kinondena na ng talent management ng aktres na Viva Artists Agency (VAA), pati na ng kanyang legal counsel, ang kongresista.
At nitong huli nga, naglabas na rin ng saloobin ang Kapamilya actress na si Anne.
Sana ay tapos na, pero bakit may humirit na Jay Sonza at Atty. Ferdinand Topacio? Ano ang relasyon nila kay Cong. Bong Suntay?
Kaya naman ang mother ng magkapatid na Anne at Jasmine na si Gng. Carmencita Ojales ay nagsabing, “You have a filthy mouth, Mr. Suntay. Same kayo ni Mr. Topacio.”
Ini-repost ng ina ng magkapatid ang art card ng statement ni Anne para kay Suntay.
Dagdag ng ginang para sa kongresista, “ATTY. non-apology shows how you don’t understand what was wrong with what you said about Anne. The terms used, the tone, you just don’t respect women and it shows. You see us as objects to be sexualized and that’s so normal to you and that’s why you’re only apologizing for feelings getting hurt. Boy, no. You should reflect on yourself, your beliefs about gender, then apologize when you truly understand what you did wrong. And yes, I called you boy because your maturity is that of a child.”
Ipinagtanggol ni Atty. Topacio si Cong. Suntay at sinabi niya ito sa programa niyang Yes… Yes… Yo! Topacio.
Aniya, “Kahit anong sama ng iniisip mo, may nakita kang babae, gusto mong gahasain, gusto mong halayin, gusto mong daklutin, harapan na. ‘Di kasalanan ‘yun.”
Misinterpreted daw ng publiko ang analogy ng kongresista at paggamit nito kay Anne sa pagtatanggol at pagpapaliwanag nito sa kaso ni Vice President (VP) Sara Duterte sa ginanap na committee hearing.
Pati sa kapatid ni Anne na si Jasmine ay may komento rin si Atty. Topacio: “‘Yung kapatid, bumanat pa, si Jasmine Curtis, parang binabastos daw ‘yung kapatid n’ya, ‘di raw tama. Ikaw, Jasmine, bakit ka nagpo-post ng bikini pictures mo sa social media, sa mga pahayagan?
“‘Di ba, para ikaw ay pagnasaan at sumikat? ‘Wag mong sabihing art ‘yun o ineendorso mo ‘yung brand nu’ng bikini — BS (bullsh*t) ‘yan!”
Hirit pa nito, “‘Yung mga artista r’yan, sina Ivana Alawi, bakit sila nagpo-post? ‘Di ba para sa views? Straight talk.”
At dahil sa mga birada ng abogadong kasali sa lahat ng isyu sa showbiz ay kaliwa’t kanan ang birang inabot niya sa mga netizens dahil sa pagsawsaw nito na wala naman sa tamang lugar.
Kaya ang banat ng nanay ng magkapatid na Anne at Jasmine kay Atty. Topacio, “Ferdinand Topacio, your comment was completely below the belt. You have no right to say those nasty words about my daughter or to judge her in any way.
“That kind of behaviour is disgusting, disgraceful and absolutely unacceptable. You were not only disrespecting my daughter but showing disrespect to all women. Think carefully before you speak. Your words have consequences, Ferdinand Topacio. You have a filthy mouth.”
Bago pa ito nasambit ni Mrs. Carmen ay nag-comment siya sa YouTube (YT) link ng video ng pahayag ni Topacio at nilagyan ng caption na, “Mr. Ferdinand Topacio, bakit n’yo hinahanap at tinitingnan ang mga picture ng anak ko na naka-bikini?
“Wala rin s’yang endorsement na naka-bikini at ‘di s’ya nagpo-post para sa inyo. Ginagawa ng mga babae ang mag-post ng kanilang sarili dahil mahal nila ang sarili nila… Dugyot ka!”
At dito nanggaling ang pahayag din ni Jasmine sa kanyang Facebook (FB) Stories, “YOWWWW WHAT THE ACTUAL? WHAT THE! DUGYOT KA!”
Nakakagulat lang na ang kilalang abogado na tagapagtanggol ay heto at ni-reprimand ng publiko dahil sa paniniwala niyang tama lahat ang paglalarawan ni G. Suntay kay Anne.
Bakit nga ba lahat ng isyu na wala naman siyang kinalaman ay pinapasukan ni Atty. Ferdinand Topacio? Hindi ba siya busy sa mga hawak niyang kaso o sadyang papansin siya?
Sikat na siya, as in hanggang Myanmar, ‘di ba? Ano pa ba’ng kulang?
May isa pang sumawsaw, si Jay Sonza, pero ayaw na namin siyang bigyan ng espasyo. Hahaha!
Pero heto, binanggit namin ang name niya — tama na ‘yun!




Comments