Romero, tinupad ang insentibo sa Olympic boxing medalists
- BULGAR
- Aug 22, 2021
- 2 min read
ni MC - @Sports | August 22, 2021

Sadyang mapalad ang ating mga Olympic athletes ngayong pandemya, dahil isa na namang naisakatuparang pangako ang natupad para sa magigiting na boksingerong nagkamit ng medalya para sa nagdaang 2020+1 Tokyo Olympics
Bagamat nasa Las Vegas ngayon si sportsman polo champ Mikee Romero upang suportahan ang kaibigang si Senator Manny Pacquiao sa laban kontra kay Cuban Yordenis Ugas ngayon, iginawad sa isang virtual handover ng House Deputy Speaker (1-Pacman Partylist kahapon ang mga tseke kina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial na nasa AirAsia headquarters sa loob ng NAIA Terminal 3.
Sa seremonyang “Bagsik Ng Kamao,” ipinagkaloob ang tig-P2-M tseke kina silver medalists Petecio at Paalam at ang P1-M kay bronze winner Marcial. "Nesthy, Carlo and Eumir brought immense pride and hope to the Filipino people amid these trying times due to the pandemic. They truly deserve these blessings," saad ni Romero. “But please, your Olympic journey should not stop in the Tokyo Games, abot kamay na ninyo ang pangarap ninyong mag-uwi ng ginto.’
Personal na iniabot ni Edwin Galvez, CEO ng isa sa kumpanya ni Romero at ni AirAsia executive Erick Arejola ang mga tseke sa mga Tokyo Games heroes. "They proved once again na kaya talaga ng mga Pinoy na makipagsabayan sa buong mundo pagdating sa boxing like what Manny Pacquiao and our other great boxers did. Iba ang bagsik ng mga kamao ng Pinoy!" saad ni Romero.
Una nang naibigay ni Romero ang P3-M check kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz. Bibigyan din si Marcial ng lifetime free electricity sa Zamboanga City na agad ding pinasalamatan ni Marcial. “Bata ka pa at may Paris Olympics pa, baka dun mo masungkit ang ginto," ani Romero kay Paalam. "Saktong-sakto ito for them to celebrate their victories with their families," ayon sa owner ng NorthPort Batang Pier team sa PBA.
Isa-isang nagpasalamat sina Petecio, Paalam at Marcial kay Romero at tulong na ipinagkaloob sa kanila ay malaking inspirasyon sa mga atleta sa kabila ng maraming pagsubok.





Comments