top of page
BULGARY - PRIME MINISTER NG TIMOR-LESTE, NAPASAYAW SA KANTA NG SB19_IG _officialSB19.jpeg

Never again sa balikan nila… ELLEN: MAS OKS NA FRIENDS NA LANG KAMI NI JOHN LLOYD

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 19, 2026



TALKIES - ELLEN- MAS OKS NA FRIENDS NA LANG KAMI NI JOHN LLOYD_IG _maria.elena.adarna

PhotoI G _maria.elena.adarna



“Itinanggi ng aktres na si Ellen Adarna ang espekulasyong magkakabalikan sila ng dating partner na si John Lloyd Cruz.


Ayon kay Ellen, mas mabuti raw na manatili silang magkaibigan at maayos na mag-co-parent para sa kanilang anak na si Elias.


Nagsimula ang espekulasyon matapos ibahagi ng dating aktres sa kanyang social media account ang commercial ni Lloydie kasama ang kanilang anak para sa isang brand ng gamot.


Sa comment section, sinagot ni Ellen ang isang netizen na nagsabing baka muli siyang ma-in love kay John Lloyd.


“Luh! We are just really co-parenti


ng and good friends and we are really better off like this,” saad ni Ellen.

Weh, ‘di nga? Char! 


Well, why not, coconut? Malay natin, baka may second chance pa sina Ellen at John Lloyd?


‘Yun na!





NAGBAHAGI ng mensahe ang aktres na si Mariel Rodriguez-Padilla para sa kanyang mga anak na sina Isabella at Gabriela na nagdiwang ng kaarawan noong November 14 at 15.


Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Mariel ang ilang detalye tungkol sa pagdiriwang ng kaarawan ng magkapatid.


Sampung taong gulang na si Isabella, habang pitong taong gulang naman si Gabriela.


Ayon kay Mariel, nakaugalian na nilang sabay na ipagdiwang ang kaarawan ng dalawang anak. Ngayong taon, hiniling ng mga ito na maging simple lamang ang selebrasyon kasama ang kanilang pamilya, malalapit na kaibigan at tig-dalawang kaklase.


Magkaiba rin ang naging tema ng kanilang birthday party. Adventure Time ang tema para kay Isabella, habang Worlds Collide na pinagsamang Descendants at Zombies naman ang para kay Gabriela.


Nagpasalamat din si Mariel sa pamilya at mga kaibigan na nakibahagi sa selebrasyon ng kanyang mga anak.


Aniya, wala nang mas makapagpapasaya sa kanya kundi ang makitang lumalaki ang kanyang mga anak na napapalibutan ng pagmamahal.


“Happy 10th birthday, Isabella, and happy 7th birthday, Gabriela! We love you both so, so much!” saad ni Mariel.


Anyway, belated happy birthday sa magkapatid na sina Isabella at Gabriela.





Kahit super busy… ANGELINE, ‘DI NAWAWALAN NG TIME SA MGA ANAK



HINDI man madaling pagsabayin ang trabaho at pagiging ina, sinisiguro ng singer-aktres na si Angeline Quinto na lagi siyang naroroon para sa kanyang mga anak.

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Angeline ang kanyang saloobin tungkol sa pagiging isang working mom.


Ani Angeline, “Yes, kahit gaano karami ang responsibilities natin as a mom, at kahit gaano tayo ka-busy sa work, one thing is certain: when my kids need me, I make sure I’m present.

“Kami ni Nonrev, we make sure na present kami sa school activities, check-ups, and even sa simpleng playtime with the kids.


“Siguro, ito ang one of the best feelings of being a mom. Kahit pagod ka from work, kahit madalas out of town din si Nonrev for business, there’s always something to look forward to when you get home, may dalawang bulilit na excited na excited kang makita at salubungin.


“And that’s when you realize na you also need to take care of yourself, because these two little humans need you to be healthy, happy, and strong. It’s all about balance. We can be hardworking moms, loving wives, and still make time to love and take care of ourselves.”

Big tumpak ka r’yan, Angeline.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page