top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

ROCCO, NA-SCAM NG BUSINESS PARTNER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | August 23, 2023



Naka-relate si Rocco Nacino sa story ng Afternoon Prime ng GMA-7 na The Missing Husband dahil na-scam na siya ng dapat ay business partner niya.


Kuwento ni Rocco, nang maibigay na niya ang tseke, hindi na nagpakita ang pinagkatiwalaan niya at hanggang ngayon, hindi na nagpakita at hindi na ibinalik ang tseke.


Dahil naniniwala sa karma si Rocco, hopefully, nakarma na ang nanloko sa kanya.


Ang kaigihan lang, single pa siya nang ma-scam at ang parents lang niya ang inalala.


Ibang sitwasyon na kapag ngayon siya naloko dahil may asawa at anak na siyang umaasa sa kanya.



Sa kaso naman ni Yasmien, hindi scam, kundi naloko siya ng contractor ng ipinagawang bahay.


Kinuha lang daw ang pera nila, pero hindi ginawa nang maayos ang trabaho.


Bumagsak ang kisame ng bahay at iniwan ang basura sa gutter, kaya minarkahan na niya ang contractor at ngayong nagpapa-renovate uli sila ng bahay, hindi na niya kinuha ang serbisyo nito.


Sa The Missing Husband, biktima at naging scammer din ang role ni Rocco bilang si Anton at mawawala pa siya, ‘yun pala ay pinagtaguan nito ang kanyang mga na-scam.


Nabanggit na ni Yasmien na ang husay-husay ni Rocco sa mga eksena niya at inulit ito ni Direk Mark at tinawag pang “intelligent actors” ang dalawa at ang iba pang cast.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page