top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

ROBIN, HINARANA ANG MGA BIKTIMA NG MAYON VOLCANO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 18, 2023
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 18, 2023



Bumisita si Senator Robin-Padilla sa evacuation center ng Albay dahil patuloy pa ring aktibo sa pagbuga ng lava ang Mayon Volcano.


Kasama niyang bumisita sa Albay ang misis na si Mariel Rodriguez-Padilla.


Hinarana ng senador ang mga mamamayan na nasa evacuation center ng kantang Wonderful Tonight.


Matatandaang ang nasabing kanta ang laging inaawit noon ni Robin nu'ng nangangampanya pa lang siya bilang senador last 2022 elections.


“Hindi kayo pababayaan ng gobyerno lalo ng DSWD. Nandiyan sila para arugain kayo. Pero sana, sa pagkakataong ito magbalik-loob tayo sa Panginoong Diyos,” paalala ni Binoe.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page