top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Robin, ‘di maglalabas ng sariling pera sa pagtakbong senador

BULGAR
Oct 16, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 16, 2021



Bago pa nag-file ng kanyang COC si Robin Padilla para sa kanyang pagtakbong senador, napag-isipan na niyang mabuti ang kanyang magiging direksiyon lalo na sa aspetong pinansiyal.


Kailangan din niyang gumastos sa kanyang pag-iikot upang mangampanya. Tiyak na maraming lalapit at hihingi sa kanya ng tulong lalo na ‘yung mga nasa depressed areas. Kailangang may pondo si Binoe para rito.


Pero, natatandaan namin na minsan, sa vlog ni Mariel Padilla ay natanong niya si Robin kung pati ba ang mga nakalaan para sa future ng kanilang mga anak na sina Isabela at Gabriella ay gagalawin niya kapag pumasok siya sa pulitika?


Ang naging sagot dito ni Robin ay secured na ang future ng kanilang mga anak dahil may inilaan na siyang pondo para sa mga ito.


Responsableng padre de familia si Robin Padilla kaya hindi niya ipagsasapalaran ang kinabukasan ng mga anak nila ni Mariel. Hindi niya uubusin sa pulitika ang kanyang mga naipundar na properties.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page