top of page
Search
  • BULGAR

RICHARD AT BARBIE, MAGKASAMA SA SOUTH KOREA

ni Julie Bonifacio @Winner | May 27, 2024


Showbiz Photo
Photo: Grace Yang / FB

Viral sa socmed (social media) ang piktyur na sinasabing sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial ang lalaki at babaeng magkasamang namamasyal sa South Korea.


Nakatalikod kasi ang lalaking may kataasan ang height at slightly exposed naman ang face nu’ng girl na kausap ni guy.


Malakas ang hinala ng mga Marites sa socmed na sina Richard at Barbie ang nasa larawan.


Bago pa ang bagong larawang ito, may kumalat din na piktyur nina Richard at Barbie na magkasama sa isang bar. Leading to the conclusion tuloy ang mga Marites na may relasyon ang dalawa.


Narito ang caption sa larawan na kumalat sa X (formerly Twitter), “Are they together or just friends? Although they were seen together at a bar months ago, their camp quickly denied that they were a couple before.”


Dagsa ang reaksiyon ng mga netizens sa piktyur na lumabas sa X.

“Time is the ultimate truth teller.”


“Friends lang po sila, kayo talaga, ginagawan n’yo ng malisya.”

“Nag-South Korea as friends (laughing emoji).”


Sey pa ng iba, nag-upgrade raw si Barbie sa mga nakarelasyon niya from Paul Salas, to JM de Guzman to Diego Loyzaga and now kay Richard.


Hirit naman ng ibang netizens, “Downgrade naman po si Richard? (laughing emoji)”

“Downgrade kamo kasi feel na rin pala n’yang maging kabit, haha!”

Sabeee?



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page