top of page

Rich businessman na taga-Cebu… CHIE, SI MATT LHUILLIER DAW ANG IPINALIT KAY JAKE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 4 min read

ni Nitz Miralles @Bida | September 23, 2025



Matthew Lhuillier at Chie Filomeno - IG

Photo: Sylvia at Cong. Arjo Atayde - FB



Tsinek namin ang Facebook at Instagram account ni Jake Cuenca kung may reaksiyon na ito sa balitang breakup nila ng sexy actress na si Chie Filomeno, pero habang isinusulat namin ito, wala pang official statement na inilalabas ang aktor.


Nag-viral kasi ang latest Facebook post ng Pambansang Marites na si Xian Gaza na ganito ang nakasaad, “Jake Cuenca natagpuang humahagulgol sa loob ng bahay matapos itong iwan ni Chie Filomeno para sa isang milyonaryong negosyante sa Cebu na si Matt Lhuillier! Atin-atin lang muna huwag na lang sana makakalabas. Salamat.”


Sa comment section ng naturang post, may dagdag-info pa si Xian Gaza na ganito naman ang nakasaad: “THIS IS KOMPIRMD ILANG ARAW NA DAW IYAK NG IYAK HINDI MALAMAN ANG GAGAWIN WALANG GANA SA LAHAT NG BAGAY ULTIMO PAGTU-TOOTHBRUSH AY HINDI DAW MAGAWA SOBRANG BAHO NA NG KANYANG BUNGANGA JUSKO KAWAWA NAMAN.”


Well, marami ang waiting ngayon sa kumpirmasyon nina Jake at Chie. Or baka naman ang Star Magic na lang uli ang maglalabas ng official statement tulad sa hiwalayang Julia Barretto at Gerald Anderson?



Magaling lang daw magsalita, wa’ namang ‘K’...

VICE, ‘DI PA RIN IBOBOTONG PANGULO



Vice Ganda


KAHIT may mga hindi nagustuhan ang paulit-ulit na pagmumura ni It’s Showtime host Vice Ganda sa harap ng madlang pipol na nagpunta sa EDSA Shrine last Sunday kaugnay ng Trillion Peso March protest rally laban sa korupsiyon, marami pa rin naman ang um-agree at nagsabing “pak na pak,” “plangak” “perfect” at “bravo” ang mga binitiwang pahayag ng Unkabogable Star patungkol kay Pangulong Bongbong Marcos at sa lahat ng mga korup na pulitikong nagnakaw ng pera ng bayan.


Gets naman kasi ng marami ang pinanggagalingan ng galit ni Vice at kahit ang mga ordinaryong Pinoy, napapamura na lang din talaga sa kasakiman at kagarapalan ng ilang nakaupong pinagkatiwalaan pa naman ng taumbayan.


Marami rin ang pumuri sa tapang ni Vice. At kung nu’ng mga nakaraang buwan lang ay bina-bash siya ng karamihan sa mga DDS dahil sa bad joke niya kay former Pres. Rodrigo Duterte, ngayon ay may mga nagpapasalamat na sa kanya sa pagiging boses ng mga ninakawan ng mga korup sa gobyerno.


At umabot pa nga sa puntong may mga nagpu-push nang tumakbong pangulo si Vice Ganda sa 2028 elections dahil sa pagiging transparent, kaprangkahan at pagiging makabayan nito.


Pero kung kilala nga natin ang ugali nating mga Pinoy, hindi naman lahat ay natuwa sa ginawa ni Vice. May mangilan-ngilan pa ring nagkokomento na strategy daw ni Vice Ganda ang “pagbibida-bida” nito sa rally para matabunan ang galit sa kanya ng mga DDS at gumanda ang image niya.


May mga kumontra rin agad sa nagtutulak ditong tumakbong pangulo sa 2028 dahil anila, magaling lang magsalita ang Unkabogable Star, pero wala pa rin itong “K” tumakbong pangulo dahil wala naman itong sapat na edukasyon sa batas at karanasan sa pulitika.


Baka ang maging ending daw, puro LGBTQIA+ pa ang ilagay nito para bumuo sa kanyang gabinete.


Wahhh! Grabeng mag-overthink! ‘Wag n’yong hamunin si Vice at baka mamaya i-call niya ang dare n’yo. Hahahaha!



Pagkaka-link kay Klea, ‘di promo sa movie…

JANELLA: NAGPAPAKATOTOO LANG AKO!



ree

Photo: Janella Salvador via Janiz Navida / bulgaronline.com


“I’M very happy,” ang pag-amin ni Janella Salvador nang matanong kahapon sa ginanap na Spotlight presscon ng Star Magic sa lagay ng kanyang puso ngayon.


Bakit nga naman ‘di magiging happy si Janella, may upcoming serye na siyang What Lies Beneath sa Kapamilya Channel, may movie pa siyang ipapalabas soon, ang Open Endings na isa sa mga competing films sa 2025 Cinemalaya Film Festival kung saan co-stars niya sina Jasmine Curtis-Smith, Leanne Mamonong at ang nali-link nga sa kanya ngayon na si Klea Pineda.


At dahil marami ngang curious kung ano ba talaga ang real score kina Janella at Klea – kung totoo nga bang may relasyon na sila o promo lang ng Open Endings ang pagkaka-link nila – diretsahan na namin itong itinanong sa aktres.


Sagot ni Janella, “Actually, na-clarify ko naman na. I think there’s nothing much to say anymore. And honestly at this point, I don’t think we owe anyone naman an explanation about personal things. Kumbaga, so if you feel free to think what you think, feel free to interpret kung anuman ‘yung nakikita n’yo. 


“Pero… alam n’yo naman ako, lagi akong nagpapakatotoo, real lang ako palagi. So if I feel like sharing anything in the future, I promise you I will share. So for now, kung ano ‘yung nakikita n’yo, what you see is what you get muna,” dagdag pa ni Janella.


Basta ang inamin ng aktres, nakabuo nga raw silang apat nina Jasmine, Leanne at Klea ng solid friendship mula nang magsama-sama sila sa Open Endings na nu’ng

May, 2025 lang pala nagsimula ang shooting.


Hindi raw talaga sila magkakakilala bago sinimulan ang pelikula, pero ngayon, nagha-hang-out na raw sila na mukhang wala naman nga silang itinatago dahil naipo-post din ‘yun sa social media.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page