Revilla, tablado sa Sandiganbayan, kaso sa flood scam, tuloy

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 13, 2026

RATING NI PBBM BUMAGSAK, RATING NI VP SARA TUMAAS — Sa latest survey ng OCTA Research Firm ay mula sa dating 47% performance rating ay bumagsak sa 43% ang performance rating ni President Ferdinand Marcos Jr. at sa kabilang banda naman ay mula naman sa 45% performance rating, ay tumaas ito ng 1%, naging 46%.
Ibig sabihin niyan, nababawasan ang mga tagasuporta ni PBBM, samantalang nadadagdagan naman ang kay VP Sara, period!
XXX
SABLAY ANG NAUNANG APAT NA TESTIGO NG DEPENSA KASI SA HALIP NA MAKATULONG LALO PANG NADIIN SI VP SARA SA ISYU NG UNEXPLAINED WEALTH — Nagpasya ang defense team ni Vice President Sara Duterte na magbawas ng mga testigong ihaharap nila sa impeachment court.
At sana hindi lang basta pagbabawas ng mga testigo ang gawin ng defense team, kundi suriin muna nila ang magiging testimonya ng kanilang mga ihaharap na witnesses para hindi sasablay kasi sa totoo lang, ang naunang apat na iniharap (Davao City Assessor Jaime Adalin, Samal City Assessor John Kenneth Enumerables, Davao City Accountant Vingelin Bajan at GenCorp. Corprate Lawyer Suzette Punay) nila sa impeachment court para maipagtanggol si VP Sara sa mga alegasyon ng unexplained wealth ay mga sumablay ang sagot sa mga ginawang katanungan ng mga senator-judge, na ‘ika nga, sa halip na makatulong ay naibaon pa ng mga ito sa isyu ng unexplained wealth ang Bise Presidente, boom!
XXX
HIRIT NI BONG REVILLA NA I-DISMISS NA ANG KASO NIYA, TINABLA, IBIG SABIHIN TULOY PA RIN ANG KASO NIYA SA SANDIGANBAYAN — Ni-reject ng Sandiganbayan ang hirit ni former Sen. Bong Revilla na ibasura o i-dismiss na ang kasong malversation na may kaugnayan sa flood control projects scam na isinampa sa kanya ng Ombudsman.
Naku, eh masamang pangitain 'yan para kay ex-Sen. Revilla kasi ibig sabihin niyan, tuloy pa rin ang kaso niya sa Sandiganbayan, tsk!




Comments