Quiboloy, ‘pag ikinulong sa Tate, wa’ nang pag-asang makalaya kahit Duterte uli ang maging pangulo

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 12, 2026

DOBLE ANG KAMALASAN NI CONG. ROMUALDEZ SA ADMIN NG PINSAN NIYANG SI PBBM KASI, NAKULONG NA SIYA SA KASONG PLUNDER, NASUSPINDE PA SA PAGKA-KONGRESISTA — Pinatawan ng Sandiganbayan ng 90-day preventive suspension si Leyte 1st Dist. Rep., former Speaker Martin Romualdez kaugnay sa kinakaharap niyang kasong plunder na may kinalaman sa flood control scandal.
Kung ganoon, dobleng-kamalasan pala ang inabot ni Cong. Romualdez sa administrasyon ng pinsan niyang si President Ferdinand Marcos Jr., kasi bukod sa nakulong na siya sa kasong plunder, nasuspinde pa bilang congressman, boom!
XXX
SEN. AT CONG., MAY SABWATAN SA DPWH PROJECTS INSERTIONS — Matapos ihayag sa Sandiganbayan ni Department of Public Works and Highways (DPWH)-Programming Division Chief Engr. Peter Paul Cortes na may 444 project insertions sa DPWH worth P27 billion sina Cong. Romualdez at former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, si Sen. Jinggoy Estrada naman ang idinawit nito, na nagkaroon din daw ng P1.6B project insertion sa DPWH.
Pagpapatunay ang isiniwalat na 'yan ni Engr. Cortes na nagsasabwatan talaga ang mga kurakot na sen. at cong. sa paninindikato sa kaban ng bayan, period!
XXX
GRABE ANG 20 CONG. NA MEMBER NG HOUSE MAJORITY KASI BILYUN-BILYON PALA ANG PROJECT INSERTIONS SA DPWH — Ibinulgar ni ACT Teacher Party-list Rep. Antonio Tinio na 20 kongresista raw mula sa House majority ang may P4B hanggang P10B na project insertions sa DPWH.
Grabe naman kasiba sa pera ng bayan ang 20 kongresista na iyan, kasi mantakin n'yo, bilyun-bilyon ang kanilang project insertions sa DPWH, mga pwe!
XXX
MAY PAG-ASANG MAKALAYA SI QUIBOLOY KAPAG DUTERTE ULI ANG NAGING PRESIDENTE NG ‘PINAS, PERO KAPAG NADALA SIYA SA AMERIKA, MALABO NA SIYANG MAKALAYA SA KULUNGAN SA TATE — Isinampa na ng Department of Justice (DOJ) sa Makati City Regional Trial Court (RTC) ang hirit na extradition ng United States (US) laban kay Pastor Apollo Quiboloy kaugnay sa mga kinakaharap na kasong sex trafficking of children, sex trafficking by force, fraud and coercion at bulk cash smuggling sa Tate.
Bad news 'yan sa kampo ni Quiboloy kasi may pag-asa siyang makalaya sa kulungan kung sinuman sa mga Duterte ang manalong presidente sa 2028 presidential election, pero kapag nadala na siya sa Tate, ay malabo na siyang makalaya sa kulungan sa Amerika, boom!





Comments