top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Retirement sa boxing ni Pacman, hindi pa opisyal ang anunsiyo

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 22, 2021
2 min read

ni MC / VA - @Sports | September 22, 2021




Kahit pa nagkomento ito na nagretiro na sa boksing, hindi pa umano opisyal na retirado sa pagboboksing si Manny Pacquiao, ayon kay Sean Gibbons, ang pangulo ng MP Promotions na pag-aari ni Pacquiao.


Nag-anunsiyo kasi si Pacquiao, sa isang television interview nitong Linggo, na tapos na ang kanyang boxing career at retirado na siya.“Tapos na dahil matagal na akong nagboboksing at sinabi ng pamilya ko na tama na,” ani Pacquiao. “Patuloy lang akong lumalaban dahil mahal ko ang sports na boksing. Magsu-support na lang ako ng boksingero para magkaroon tayo ng champion ulit,” ayon pa sa founder ng MP promotions.

Makaraang matalo siya via unanimous decision kontra kay Yordenis Ugas noong Agosto sa kanilang welterweight showdown, nagparamdam si Pacquiao na magreretiro na at tatakbo itong bilang presidente ng Pilipinas sa Mayo 2022.


Ang laban kay Ugas ay ang unang laban ni Pacquiao simula ng manalo ito kontra kay Keith Thurman noong July 2019.


Isa sa itinuturing na pinakamagaling na boksingero sa kasaysayan, si Pacquiao ang kaisa-isang boksingero na nagwagi ng walong world title sa walong iba’t ibang weight classes. “In the coming weeks, the senator will decide how he’s going to finish his professional boxing career,” ani Gibbons. “After the fight and recently, he’s discussed retiring [or] maybe one more [fight]. He’s just talking out loud about different situations.


“Until you see it officially come out on his Twitter or Instagram, he isn’t retired. Once you see it on a platform like that, it’s official. Anything else is just talk about what his thoughts are in the moment. It’s coming from him, but it’s hearsay.”


Pinaliwanag ni Gibbons na sinabi ni Pacquiao na retired na siya noong 2016 matapos talunin si Timonthy Bradley upang mangampanya sa pagka-Senador, pero matapos ang ilang buwan ay muli itong lumaban.


Nakatakda sanang sagupain ni Pacquiao si Errol Spence Jr. noong isang buwan, pero pinalitan ito ni Ugas matapos dumanas si Spence ng injury sa mata. Sa kontrata ni Pacquiao kay Spence, kasama rito ang rematch clause sakaling matalo sa laban pero sa kotrata kay Ugas ay hindi.


Sa kabuuan, nakapagtala si Pacquiao ng 62–8–2 win-loss-draw record kung saan kumita siya ng mahigit $1.2 bilyon at $20.40 milyon sa pay-per-view.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page