top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Resto ni Aya Medel, ipinaboykot dahil sa suporta kay BBM

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 27, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | October 27, 2021





Nag-react si Aya Medel sa pagkakasama ng pangalan niya sa listahan ng mga taga-entertainment industry na sinasabing nag-volunteer na ikampanya si Vice-President Leni Robredo na tumatakbong presidente sa 2022 elections.


Ipinost ni Aya sa Facebook page niya ang listahan, minarkahan ang pangalan niya at nag-comment ng “I did not sign for that po. My President is BBM.”


Binisita namin ang Facebook ni Aya and so far, wala pa kaming nababasang inatake siya ng mga supporters ng ibang presidential candidate sa paglilinaw na hindi siya pumirma para ikampanya si VP Leni at inuulit nga nito na si Bongbong Marcos ang presidential bet niya at iboboto.


Pero, may mga nauna nang nag-cancel kay Aya, tinira siya at tinawag na dating bold star.


Katunayan, ipinabo-boycott ang Japanese restaurant niya sa Tabaco, Albay na Ishiaya’s Garden Bistro dahil maka-BBM siya. Hindi raw alam ng mga nasa likod ng boycott na may 50 staff siya na umaasa sa kanya at sa kanyang resto.


May pari pa nga na inatake siya online, naglabas ng open letter at kinol-out ang pangangampanya niya kay BBM. Sinagot ito ni Aya ng isa ring open letter, hindi lang mababasa ni Father dahil binlock niya si Aya.


Tanong ni Aya, bakit kinu-crucify siya dahil lang iba ang susuportahan at iboboto niyang presidente? Kasalanan daw bang pumili ng presidente at kasalanan din bang mag-post sa kanyang wall?


Naku, gagrabe pa ang bangayan pati sa showbis ng mga celebrities na magkakaiba ang sinusuportahang kandidato. Abang-abang lang at may mga mag-aaway at magsosolian ng kandila dahil sa darating na eleksiyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page