top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Responsibilidad ng employer sa naaksidenteng empleyado

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2021
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 15, 2021



Dear Chief Acosta,


Ako ay nagkaroon ng injury sa aking trabaho sa barko. Nagsampa ako ng reklamo para makuha ang naaayong benepisyo para sa aking permanent disability pero sinabihan lang nila ako na wala akong karapatang makuha ito. Halos 300-araw na ako ay naghihintay ng kanilang disability rating sa akin at maging sa kaukulang medical certificate, mayroon kaya silang katwiran na hadlangan ang aking benepisyo? – Quizon


Dear Quizon,


Para sa inyong kaalaman, ayon sa ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong Dino S. Palo vs. Senator Crewing (Manila), Inc. et al. [G.R. No. 217338, March 18, 2021, Ponente: Honorable Associate Justice Rosmari Declaro Carandang] malinaw na ipinababatid na:


“[T]his Court cannot emphasize enough that the company-designated physician is mandated to issue a medical certificate, which should be personally received by the seafarer, or, if not practicable, sent to him/her by any other means sanctioned by present rules. The seafarer must be fully and properly informed of his medical condition. The results of his/her medical examinations, the treatments extended to him/her, the diagnosis and prognosis, if needed, and, of cou rse, his/her disability grading must be fully explained to him/her by no less than the company-designated physician. The seafarer must be accorded proper notice and due process especially where his/her well-being is at stake. The effect of failure of the company to furnish the seafarer a copy of his medical certificate militates gravely against the company's cause.”


(Biningyang-diin)


Samakatwid, tungkulin ng inyong employer na ipaalam sa inyo ang inyong kalagayan at ang kanilang naging pagsukat sa pinsalang inyong natamo. Ipinag-uutos din ng batas na dapat ibigay sa inyo upang personal na matanggap ang inyong kaukulang medical certificate sa loob ng takdang panahon na isinaad ng batas. Malinaw na kung lumagpas na sa panahong itinakda at hindi nila maayos na naipalam o naibigay sa kanilang empleyado ang mga nabanggit, maaaring mapanagot ang nasabing employer at magamit ang kapabayaang ito laban sa kanila, para sa reklamong isinampa ng employee kaugnay ng kanyang pinsala at kalagayang pangkalusugan.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page