top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Resbak sa mga todo-banat kay P-Du30, Angelica…

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6, 2020
2 min read

SIGAW NI ARNELL: MGA KAPWA ARTISTA, PROUD PA SA KATANGAHAN!

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 6, 2020




Nag-viral at trending ang latest statement ng dating OWWA administrator na si Arnell Ignacio na: “Noon, ang artista, kadalasan ang tingin, eh, mahina ang ulo… na stereotyped kumbaga. Nakakasama nga ng loob noon… pero ngayon, ang hirap nang ipagtanggol. Ang daming pruweba, eh, may yabang pa nga sa katangahan, eh.”


Wala mang direktang pinatungkulan si Arnell, maraming nag-isip na may kaugnayan ito sa naging patutsada ni Angelica Panganiban na "tutulug-tulog" daw ang mga taga-gobyerno, kabilang na si Pangulong Rodrigo Duterte na missing in action daw nu'ng kasagsagan ng Bagyong Rolly.


Nag-react naman ang dating aktres na si G Tongi sa sinabi ni Arnell at nag-tweet ito ng: “Arnel dahan-dahan lang sa pag-atake ng mga kasamahan sa industriya na ginagamit lang naman ang kanilang boses na karapatan naman nila… sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay 'yung 'di tumutubong buhok mo, kaya tuloy naka-plug-ins ka… with laughing and peace emoji.”


Bukod kay G, may mga netizens ding bumanat kay Arnelli.

Ilang komento sa socmed…


“Wala nang mas hihina pa sa mga appointed celebs na sipsip lang, nagka-position na. Ni hindi man lang nag-Civil Service exam pero bossing agad. Sana all.”


“Agree! Mga simpleng tao, nagkukumahog mag-review para ipasa ang Civil Service, itong mga 'to, wala, magpapalakas lang, then wait ka ng position mo. Hayyyyy!”


“Arnell, parang 'di galing sa pag-aartista kung makapuna. Kung 'di ka naging artista, you will not be where u are now.”


Meron din namang nagpasaring kay G.


“G, kung 'di ka naman isa sa mga idine-describe ni Arnell, eh, di 'wag ka nang butt hurt. Totoo naman sinasabi niya, eh. Remember, 'Sa classroom may batas?'"


Nag-boomerang naman daw kay G ang kanyang sagot kay Arnell.


“G, kasama ka d'yan. Hindi ko makalimutan 'yung nasabihan ka ng isang kasama mong VJ on cam na stupid G.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page