Naiyak sa concert ng Songbird… MELAI, SAKSI SA MGA PINAGDARAANAN NI REGINE SA KALUSUGAN

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 19, 2026

Photo: IG _mrandmrsfrancisco
Naiyak ang TV host-comedienne na si Melai Cantiveros sa Finale concert ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, na labis niyang hinangaan at pinuri sa pamamagitan ng isang social media post matapos ang matagumpay na pagtatanghal nito.
Ani Melai (as is), “Congratulations as always, Momshie Reg (@reginevalcasid), for a spectacular Finale Concert indeed.
“Thank you, Lord Jesus Christ because Your presence is with us sa concert. Nakakaiyak dahil saksi ako sa mga pinagdadaanan ni Momshie Reg with regards to her health.
“And today, You nailed it, Momshie Reg. We are so very proud of you. We are very happy kaayo (sobrang saya) sa mga songs. Congrats sa Team Finale Concert, @cacaimitra, @mommyde and direk @paolovalenciano.
“At nagsama-sama ang mga nagmamahal kay Momshie Reg na sina @kylaalvarez (Kyla), @jona (Jona), @praybeytbenjamin (Vice Ganda), @darrenespanto (Darren Espanto), @darla (Darla Sauler), @mariajolina_ig (Jolina Magdangal-Escueta), at @ysabel_ortega (Ysabel Ortega).”
Isang malaking congratulations sa ‘yo, Regine sa matagumpay at napakasayang concert mo.
Bilib na bilib sa mister ni Danica…
DINA, TUNAY NA ANAK ANG TURING KAY MARC
NAGBAHAGI ng madamdaming birthday message ang multi-awarded actress na si Dina Bonnevie para sa kanyang son-in-law na professional basketball player na si Marc Pingris.
Ani Dina, “Hi, Marc! Gusto kong muling magpasalamat sa ‘yo, ‘di lamang sa pagiging mabuting asawa ng anak ko at mapagmahal na ama ng aking mga apo, kundi higit sa lahat, sa pagiging mabuting tao mo.
“Alam kong marami kang pinagdaanang pagsubok, hirap, at pagkatalo sa buhay, lalo na dahil sa mga taong walang takot sa Diyos at walang pag-aalinlangang manloko at manlamang ng kapwa. Ngunit sa kabila ng lahat ng ‘to, hinahangaan kita dahil ‘di ka sumuko. Patuloy kang bumabangon, lumalaban, at nagsisikap na makabangon muli.
‘Di mo hinahayaang talunin ka ng mga pagsubok sa buhay, at patuloy mong ginagawa ang lahat para sa kinabukasan ng iyong pamilya.
“Nakikita ko kung paano mo inuuna at pinangangalagaan ang iyong pamilya, at maging ang sarili mong ina ay ‘di mo pinababayaan. Malaki ang sinasabi nito tungkol sa iyong pagkatao. Busilak ang iyong puso, at kitang-kita ang pagmamahal at malasakit mo sa mga taong mahalaga sa ‘yo.
“Dahil dito, buong puso kitang hinahangaan, nirerespeto, at minamahal. ‘Di ka lamang asawa ng aking anak at ama ng aking mga apo. Itinuturing kitang tunay na anak, na walang ipinagkaiba kina Danica at Oyo.
“Ipinagmamalaki kita, Marc, ‘di dahil wala kang pagkukulang o ‘di ka nakararanas ng pagkatalo, kundi dahil sa kabila ng lahat ng iyong pinagdaanan, patuloy kang nagsisikap, nagmamahal, at pinipiling maging mabuting tao.
“Sa iyong kaarawan, dalangin ko na patuloy kang gabayan ng Diyos sa bawat hakbang at sa lahat ng iyong mga ginagawa. Nawa’y palakasin Niya ang iyong loob, bigyan ka ng karunungan sa bawat desisyon, at pagkalooban ka ng mabuting kalusugan, kapayapaan, at higit pang mga pagpapala. Dalangin ko rin na dumating ang panahon na makita mong magbunga ang lahat ng iyong pagsisikap at mapalitan ng masaganang biyaya ang mga hirap na iyong pinagdaanan.
“Happy Birthday, Marc! Patuloy kang magtiwala sa Diyos at ‘wag mawalan ng pag-asa. Tandaan mong ‘di mo kailangang harapin ang lahat nang nag-iisa. Nandito kami, nagmamahal, sumusuporta, at nananalangin para sa ‘yo.
“Mahal na mahal ka namin, at ipinagpapasalamat namin sa Diyos ang buhay mo. Pagpalain ka pa Niya nang higit sa iyong inaasahan!”
Nakaka-touched naman! Sana all may ganitong mother and son-in-law relationship tulad nila.
Anyway, happy birthday, Marc!
PANGMALAKASANG boses, galing sa pag-rap, at instrumentong Pinoy – ito ang bitbit ng ABS-CBN artist na si CARMELLE sa Eurovision Song Contest Asia 2026, kung saan kakatawanin niya ang Pilipinas sa Bangkok, Thailand sa Nobyembre 1.
Nasa likod ng pambatong kanta ng bansa na Sobra-Sobra sina Mat Olavides at Nica del Rosario, mga manunulat sa likod ng OPM hits mula sa BINI at kay Sarah Geronimo.
Para sa kanila, malaking pagkakataon ang kompetisyon para ibida sa Asya ang iba’t ibang tunog at talentong Pilipino.
“I hope CARMELLE’s journey can show the rest of the world that world-class Filipino talent comes in all shapes and sizes. We are not limited to one sound nor one kind of performer, and I hope CARMELLE and Sobra-Sobra is a testament to that,” sabi ni Nica, na isa sa mga sumulat ng mga awiting Huwag Muna Tayong Umuwi at Karera ng BINI, at Tala ni Sarah Geronimo.
Naniniwala siyang maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng Sobra-Sobra, na may dalang mensahe ng tiwala at pagpapahalaga sa sarili, tampok ang pinaghalong impluwensiya sa musika.
“May Filipino elements like kulintang and kubing, but we also incorporated Latin influences. I think that combination reflects how Filipino music has always been shaped by different cultures while still developing its own identity,” kuwento ni Mat, na nagsilbing co-writer ng Salamin, Salamin at co-producer ng Pantropiko.
Positibo rin ang composer na maaabot ng kanta ang mga tagapakinig kahit pa hindi sila nakauunawa o nakapagsasalita ng Filipino.
“It’s about knowing your worth, being confident in who you are, and not letting other people define you. Kahit iba-iba ang language and culture natin, I think those are emotions and experiences that many people can relate to,” paliwanag ni Mat.
“The energy of the song also makes it fun and easy to connect with, even if you don’t understand every word,” dagdag pa niya.
Para kay Nica, tatagos din ang mensahe ng kanta sa mga kababaihan mula sa ibang bansa.





Comments