Dumalaw lang, umandar ang pagka-OC… SHARON, NAKIALAM SA OPISINA NI SEN. KIKO, MUNTIK MAKABASAG

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 19, 2026

Photo: IG _reallysharoncuneta
Umandar ang pagka-OC (obsessive-compulsive disorder) ng Megastar na si Sharon Cuneta dahil nang dumalaw siya sa opisina ng asawang si Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa Senado ay napansin niyang tabingi ang picture frame ng senador na nakasabit sa pader kasama ang iba pa.
Pinilit ni Sharon na abutin ang picture frame para isaayos, pero natanggal ito sa pagkakasabit.
Mabuti na lang at nasalo niya at ng staff ni Sen. Kiko, or else, basag ang salamin nito.
Ang nasabing staff na ang nag-ayos ng pagkakasabit.
Makikita rin sa video na inilalarawan ni Sharon na bothered siya nang makitang tabingi ang picture frame.
Lagi namang magkasama…
MALE CELEB, TODO-DISPLEY SA AKTRES PERO ‘DI MAAMING DYOWA, EX-GF, MAY BAGO NA KASING KA-DATE
BLIND ITEM 1:
Nagtataka ang katsikahan naming kaibigan ng kilalang male personality kung bakit hindi nito inaaming girlfriend na niya ang aktres gayung parati naman silang nakikitang magkasama sa mga showbiz events.
At kahit walang kinalaman sa showbiz ay nagkikita rin ang aktres at kilalang male personality, kaya ano ang dahilan kung bakit hindi ito maamin ng huli?
“Ewan ko sa dalawang ‘yan, wala namang sasagasaang tao if ever na aminin nila. Mas pangit pang tingnan na laging magkasama, tapos ‘di magdyowa. Ano ‘yun, fubu (fuck buddy)?” seryosong sabi ng kausap namin.
Mayroon naman kasing ganoon talaga na laging magkasama sa lahat ng okasyon pero magkaibigan lang.
“So, display lang si ateng (actress)? Bakit need ni (male personality) ng pang-display? Para masabing may dyowa? Kasi ‘yung ex (girlfriend), may idine-date na? Aysus, ego na naman ba ‘to?” katwiran ng aming source.
Sa kasalukuyan ay maraming projects ang aktres dahil bukod sa maganda ito at may personalidad ay marunong siyang umarte, kaya itinuturing siyang isa sa prime talents ng network na pinaglilingkuran niya.
Si male personality ay abala naman sa kanyang itinayong negosyo, at sitsit sa amin ng aming source ay kapos ngayon sa pinansiyal dahil sumabit ito sa isang transaksiyon na malaki ang nawala sa kanya.
TF NG MGA ARTISTA NG NETWORK, ‘DI BUO ANG BAYAD, WAITING PA SA MGA ADVERTISERS
BLIND ITEM 2:
TRULILI kaya na kaya naka-indefinite leave ngayon ang kilalang bossing ng network ay dahil hindi nito kinakaya ang stress ng kumpanya?
Sa kanya kasi ipinamahala ng big boss ang kumpanya simula nang tanggalin ang dating boss dahil sa mga palpak na desisyon nito na ikinalugi nang malaki at lahat ng projects ay hindi bumalik ang puhunan.
Nang tanggalin ang dating boss ay binago na rin ang structure ng kumpanya para hindi na kung sinu-sino ang kakausapin, kaya nagkasundo naman ang lahat.
“Eh, ‘di pa pala tapos ang problema. Maraming nadiskubre, baon sa utang, naubos ang pondong bilyones, ayaw nang maglabas ni (big boss), kung ano’ng meron, pagkasyahin at paikutin,” tsika ng aming source.
May mga artista raw ang network na hindi nabayaran nang buo dahil malalaki ang talent fees (TF) nila at hinahati raw. Ang inuunang bayaran ay ang gastos sa production para may maipalabas.
Natigil nga raw ang shooting ng ilang programa ng network dahil sa kakulangan ng budget, pero kapag nakasingil naman daw sa mga advertisers ay nagbabayad ang network.
“‘Di lang naman ang (network) ang may sablay, pati rin naman ang (dalawang network), ganyan din, mahina talaga ngayon, itinatawid lang,” sabi pa.
Ang mataas daw magbayad ngayon ay ang mga streaming platforms, kaya karamihan sa mga isinu-shoot ngayong shows at pelikula ay doon na ibinebenta at saka ipapalabas sa network para mapanood ng publiko na hindi subscribers ng mga nasabing platforms.
Going back sa bossing na naka-indefinite leave, may tsikang mas gusto na lang daw nitong mag-early retirement pero mukhang hindi pabor ang big boss.





Comments