Renewable energy at green building sa edukasyon
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 11, 2026

Dear Chief Acosta,
Sa panahon ngayon ay may kinakaharap po tayong krisis. Hindi rin natin kinakaila na ang ating Gobyerno ay nag-iisip at gumagawa na rin ng samu’t saring paraan para kahit paano ay maibsan ang dagok sa mga tao. Lalo pa po ang kasalukuyang pangyayari na nakakaapekto ng lubos sa pagtaas at baba ng presyo ng langis. Dahil dito, nais ko po sanang malaman kung may batas bang tumutukoy sa paghahanda sa makabagong henerasyon sa paggawa ng mga proyekto, katulad ng gusali, na siyang gumagamit ng mga paraan para maiwasan ang negatibong epekto sa klima at likas na kapaligiran. Salamat po sa iyo. — Manong Jhonny
Dear Manong Jhonny,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 5 ng Republic Act (R.A.) No. 11393, o mas kilala sa tawag na “Advances Energy and Green Building Technologies Curriculum Act,” kung saan nakasaad na:
“Section 5. Advanced Energy and Green Building Technologies Curriculum Development. -The Commission on Higher Education (CHED), in consultation with the Department of Energy (DOE) and CHED-recognized higher education institutions (HEIs), shall develop a curriculum on advanced energy and green building technologies at the undergraduate and graduate levels which shall focus on design resilience, natural resource conservation, and sustainable design and building practices, among others, to prepare students for future careers in advanced energy and green building technologies to enable future engineers, architects and urban planners to incorporate advanced energy and green building technologies in the design of high-performance buildings.”
Bilang kasagutan sa iyong katanungan at ayon din sa nasabing probisyon na batas, ang Commission on Higher Education (CHED), sa pakikipagkonsulta sa Department of Energy (DOE) at mga higher education institutions (HEIs), ay inatasan na bumuo ng isang kurikulum patungkol sa makabagong teknolohiya sa enerhiya at green building technologies sa antas ng undergraduate at graduate, na tututok sa katatagan sa disenyo, konserbasyon ng likas na yaman, at makakalikasang mga kasanayan sa pagdisenyo at pagtatag ng gusali.
Nakasaad din sa Seksyon 4 ng nasabing batas ang mga sumusunod na kakayanan ng isang green building o high-performance building:
“Section 4. Features of a Green Building or High-Performance Building. -A green building or high-performance building shall have the following features:
Uses all forms of renewable energy, such as solar energy;
Efficiently uses energy, water and other resources;
Provides good indoor or environmental air quality;
Uses materials which are sustainable, ethical and nontoxic;
Adopts pollution and waste reduction measures, and promotes reuse and recycling of materials;
Employs a design that adapts to a changing environment; and
Considers environment-friendly design, construction and operation.”
Ang nasabing batas ay base sa polisiya ng ating Gobyerno na bigyang prayoridad ang edukasyon, agham at teknolohiya, at iba pang katulad na mga larangan, gayundin ang pagsuporta sa mga institusyong pang-edukasyon ng bansa sa kanilang mga pagsisikap na simulan at ipatupad ang mga aktibidad sa pagpapaunlad ng curriculum na hahantong sa socioeconomic progress at technological advancement sa ating bansa.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.





Comments