Reklamo sa boss na delayed magpasahod
- BULGAR

- Oct 26, 2023
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | October 26, 2023
Dear Chief Acosta,
Imbes na kada kinsenas, may mga pagkakataon na katapusan na ng buwan namin natatanggap ang sahod. Kung kaya, napipilitan akong mangutang para mairaos ang aking mga pangangailangan hanggang sa matanggap ang sunod na sahod. Legal ba ang ginagawa ng aming boss? -- Sasa
Dear Sasa,
Ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Article 103 ng Labor Code of the Philippines kung saan nakasaad na:
“Art. 103. Time of Payment. – Wages shall be paid at least once every two (2) weeks or twice a month at intervals not exceeding sixteen (16) days. If on account of force majeure or circumstances beyond the employer’s control, payment of wages on or within the time herein provided cannot be made, the employer shall pay the wages immediately after such force majeure or circumstances have ceased. No employer shall make payment with less frequency than once a month.
The payment of wages of employees engaged to perform a task which cannot be completed in two (2) weeks shall be subject to the following conditions, in the absence of a collective bargaining agreement or arbitration award:
(1) That payments are made at intervals not exceeding sixteen (16) days, in proportion to the amount of work completed;
(2) That final settlement is made upon completion of the work.”
Malinaw sa nabanggit na probisyon ng batas na ang sahod ay dapat bayaran ng hindi bababa sa isang beses sa bawat dalawang linggo o dalawang beses sa isang buwan na may pagitan na hindi lalampas sa 16 na araw. Gayunpaman, kung may mga pangyayari na hindi kontrolado ng employer, at ang pagbabayad ng sahod sa tamang panahon ay hindi masusunod, ang employer ay dapat magbayad ng sahod kaagad pagkatapos ang nasabing pangyayari.
Kaya naman, hindi legal ang ginagawa ng iyong boss sa pagliban ng pagbabayad ng iyong sahod kung wala naman kakaibang pangyayari na hindi niya kontrolado. Ang paglabag sa batas ng iyong boss ay maaari mong idulog sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Grabe naman yung boss ni Sasa, hindi legal yan! Buti na lang may Atty. Acosta para magbigay linaw. Sana all tayo may sapat na cognitive abilities para ma-assess yung tama sa mali using human benchmark .
The gameplay of block blast is amazingly satisfying! I'm trying to get the highest score and you can too.