top of page
BIDA - DENNIS, NIRESBAKAN NG NETIZEN, ‘DI RAW MABUTING TAO DAHIL ENDORSER NG SUGAL_FB Denn

PBBM, Senate majority at 257 cong., malamang kinabahan sa aksyon ng SC sa petisyon nina Robin at Bong Go

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 30, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


BINASH NA NAMAN NG MGA DDS SI PBBM TUNGKOL SA SINABI NIYANG 'HUWAG MAG-PANIC' SA PAGHINA NG PISO KONTRA DOLYAR — Binash na naman ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS) si President Ferdinand Marcos Jr. (PBBM) sa kanyang sinabi na huwag daw mag-panic ang publiko sa patuloy na paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.


Dapat bago magbitaw ng salita si PBBM ay pinag-iisipan niya muna kung maba-bash siya kasi sa totoo lang, ang laging inaabangan ng mga DDS ay 'yung may mali siyang masasabi sa publiko, ‘eh sablay 'yung statement niyang huwag mag-panic sa paghina ng piso kontra dolyar, kaya ang resulta, nagkaroon na naman ng pagkakataon ang mga Duterte supporters na i-bash siya sa social media, boom!


XXX


KAPAG KINATIGAN NG SC ANG PETISYON NINA SEN. BONG GO AT SEN. ROBIN PADILLA TIYAK HINDI NA MAKO-CONVICT SI VP SARA, TULOY ANG LABAN NIYA SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION — Pinagkokomento ng Supreme Court (SC) ang Senate Impeachment Court at House of Representatives kaugnay sa petisyon nina Sen. Bong Go at Sen. Robin Padilla na kumukuwestyon sa ibinabang voting threshold sa conviction ni Vice President Sara Duterte, na ayon sa dalawang senador ay dapat ang botohan ay ibabase sa lahat ng 24 senator-judges, kabilang ang dalawang nakakulong, isang nagtatago at isang “nagpapagamot” sa France at hindi 'yung sa mga present lang ibabase ang boto.


Kaya kapag ang petisyon na ito nina Sen. Bong Go at Sen. Padilla ay kinatigan ng SC ay tiyak malabo nang ma-convict si VP Sara sa kasong impeachment kasi nga, sa ngayon ay 14 lang ang miyembro ng majority o Gatchalian bloc sa Senado, abangan! 


XXX


TIYAK KINABAHAN SI PBBM, 'GATCHALIAN BLOC' AT 257 CONG. NANG AKSYUNAN NG SC ANG PETISYON NINA SEN. BONG GO AT SEN. PADILLA — Hindi man aminin, ay tiyak kinabahan si PBBM, "Gatchalian bloc" sa Senado at ang 257 na mga kongresistang bomoto sa impeachment ni VP Sara sa pag-aksyon ng SC sa petisyon nina Sen. Bong Go at Sen. Padilla patungkol sa impeachment voting threshold sa Bise Presidente.


May posibilidad kasi na katigan ng SC ang petisyon nina Sen. Bong Go at Sen. Padilla at kapag nangyari ito, hindi na mai-impeach si VP Sara, tuloy na tuloy na ang pagkandidato niya sa 2028 presidential election, at kapag nanalo, lagot si PBBM, ang "Gatchalian bloc" at ang 257 cong. na nagpa-impeachment sa Bise Presidente, boom! 


XXX


DAPAT BAGO UMEPAL SI MAYOR MAGALONG SA NATIONAL ISSUE, TUTUKAN DIN NIYA ANG MGA MANGRARAKET NA NAMBIBIKTIMA SA MGA TAGA-BAGUIO CITY — Nanawagan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa Ombudsman at COA na imbestigahan at kasuhan ang mga sangkot sa unconstitutional na mga probisyon sa 2024, 2025 at 2026 national budgets.


Tama naman ang panawagang ito ni Mayor Magalong, kaya lang dapat bago siya umepal sa mga isyung pang-national, ay tutukan din niya ang isa sa problema sa Baguio City, ang dami na kasing nabibiktima sa raket na mini-casino sa Legarda Road at Bokawkan Road at drop ball-color games sa Kayang Market ng mga loyalistang sina "Patrick" at "Nestor," pero hanggang ngayon ay wala pang aksyon, hindi pa ipinahuhuli ng alkalde ang dalawang mangraraket na ito sa nasasakupan niyang lungsod, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page