Tibong singer at vlogger, huli sa akto ng dyowang female exec, iniwan na
- BULGAR
- Oct 25, 2021
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 25, 2021

Nakipagsabayan sa isyu ng hiwalayan sa showbiz ang ayaw pabuking na tomboyitang petite singer. Nakipag-break na rin pala sa kanya ang karelasyon niyang female executive na member din ng LGBTQ.
Super sad kami when we found out kung ano ang dahilan ng pakikipaghiwalay ng executive sa petite singer.
May back story din kasi kami sa personalidad ni LGBTQ exec. Maganda siya, disente, talented, mayaman at maganda, kaya hindi aakalain na mga kapwa niya babae rin ang kanyang karelasyon.
Anyway, mismong si exec ang nakakita kay petite singer at sa bago nitong kinahuhumalingan na isang vlogger.
Caught-in-the-act ni exec si petite singer at ang kanyang secret lover na magka-HHWW (holding hands while walking) habang papasok sa isang venue.
Although, matagal nang kinukutuban si exec na may bago at ibang kaharutang “girl” si petite singer, sinarili na lang muna niya.
So, nu’ng finally ay na-Julie Vega na niya si petite singer, ‘di na siya nagpatumpik-tumpik at kara-karaka niyang kinompronta ito sa kanilang love nest.
Aba, strike two na si petite singer, hah? Before si LGBTQ exec ay nakatsikahan din namin ang isang rich matron na taga-US na may-I-sumbong at crayola (read: iyak) sa intimate presscon na ipinatawag niya for some members of the press.
Imagine, umuwi pa ng ‘Pinas ang rich matron para lang ibukelya ang ginawa sa kanya ni petite singer nu’ng nasa US pa ito, pati na ng hubby nito.
Claim ni rich matron, siya ang tumulong kay petite singer nu’ng magdesisyon ito at ang mister na tumira na sa US.
Super “all mine to give” raw ang rich matron kay petite singer na siyang ikina-survive ng pamilya niya sa US. And take note, knows daw ng hubby ni petite singer na may relasyon siya with the rich matron.
Nalokah ang rich matron nu’ng bumalik sa ‘Pinas si petite singer at tuluyan na siyang hiniwalayan. May-I-comeback din si rich matron sa ‘Pinas hoping that magkakabalikan sila ni petite singer.
Naku, nagwa-wonder na tuloy kami kung ano’ng meron sa petite singer bukod sa maganda niyang tinig. Sa rehistro ng mukha niya, seems that malakas ang dating niya sa mga kapwa niya tivoli, ha?
Going back to the exec, siyempre, crayola pagaspas siya nang ilang linggo pagkatapos niyang hiwalayan ang two-timer na petite singer.
Susme, sa ganda, yaman, talino ni exec, ang dami-dami niyang puwedeng makarelasyon. Puwede naman na nagsabi na lang si petite singer na ayaw na niya sa LGBTQ exec at tiyak na maiintindihan nito.
Pero ‘yung lokohin niya si exec gaya ng ginawa niya sa rich matron, that is very, very wrong.
At kung kami naman doon sa vlogger, which we heard na rich and famous din sa kanyang circle, she better think carefully bago pairalin ang tibok ng puson… este, puso.





Comments