top of page
BULGARY - BARON, IBINUKING NG MISIS NA NASA SAFE PLACE_IG _baron.gesler.jpeg

REGINE, AMINADONG ‘DI NA KAYANG BUMIRIT TULAD NOON

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
4 min read

ni Rohn Romulo @Run Wild | September 27, 2026



RUN WILD - REGINE, AMINADONG ‘DI NA KAYANG BUMIRIT TULAD NOON_IG _reginevalcasid

Photo: IG _reginevalcasid



May ini-reveal si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang FINALE concert sa SM Mall of Asia (MOA) Arena.


Pahayag ni Regine sa ginanap na presscon, “Originally, we really wanted it to be a free show, but unfortunately we can’t afford it. As you all knew, mahal na talaga ngayon, katulad ng gasolina, ang mahal na.


“This is actually a thank you concert to everyone who’s been supporting me always for 40 years.


“So my sister Cacai (Velasquez-Mitra) wanted it for free talaga. And we tried our best to get sponsors for two nights, nahirapan talaga kami.


“So we decided na one night na libre, tapos ‘yung isang gabi, kailangan naming ibenta. Kumbaga, magbayad naman ‘yung can afford.”


Ibinahagi rin niya ang naging reaksiyon nang makita niya ang poster ng kanyang upcoming concert.


“It is real — nakalagay ang laki, ‘FINALE.’ Oh, it’s happening,” bulalas niya.

Kuwento pa niya, “I cried, tapos nahiya ako sa asawa ko. I did not want to show him I was being emotional about it. Of course, I am menopausing, so I am more emotional.


“So, I went to the bathroom and I started crying — ugly crying.”


Kaya naman nang i-announce na available na ang tickets for October 17, gulat na gulat si Regine na agad itong nag-sold-out.


“I didn’t expect it will sell out right away. We were expecting na maso-sold-out s’ya a day or two, pero ‘di naman ‘yung 45 minutes, wala nang tickets,” sabi niya.


“So, nataranta rin kami. They’re asking for one more night. Nahirapan na ang kapatid ko kung saan ilalagay ang additional night, kaya naging Monday na lang s’ya,” pagbabahagi ng award-winning singer-actress.


Malinaw na ito na nga ang finale major solo concert ni Regine sa big venue tulad ng SM

MOA Arena, na magaganap sa October 17, 18 at 19.


Lahad pa ni Songbird, “Yes and no. For major concerts, yes, but I’m not going to stop performing altogether.


“I will still perform siguro sa mga smaller, intimate venues. It’s more relaxed and mellow at puwedeng mag-experiment with new songs.”


Aminado naman si Regine na nagiging emosyonal siya sa tuwing pinag-uusapan ang pagtigil niya sa major solo concerts.


“Whenever I talk about it, I get emotional,” pag-amin niya.

Sey pa ni Regine, “Not so much my voice, but I am giving up something that I have been doing for 40 years. I started doing concerts at 17 and every year, I will be doing it.


“Sometimes even three times a year — one big, medium and a smaller one. I would go on tour. It was like a routine. It was like giving up a part of me.”





Sa FINALE concert, maaasahan ng fans na maraming songs na pinasikat ni Regine Velasquez ang kanyang kakantahin sa loob ng apat na dekada. Aminado rin siya na hirap na hirap silang pagkasyahin ang mga ito.


Expected din ang mga guests, na ayaw nilang banggitin sa ngayon, dahil sorpresa raw. 


May segment na tribute sa kanyang father na si Mang Gerry at for sure, may appearance ang mag-ama niyang sina Ogie at Nate Alcasid.


Kaya siguradong magkakaiba ang magiging experiences ng kanyang mga tagahanga sa bawat gabi ng concert. 


Sey pa ni Regine, “Ang dami kong kanta. Ang hirap pumili.

“So, ginawa namin, iba-ibang repertoire each night. S’yempre, may nakaposte na pare-pareho. Siguro, opening and finale song. Pero sa gitna, iba-iba. Para ma-cover ko at least 50 percent.” 


Aminado naman si Regine na nagbago na ang boses niya ngayong 56 yrs. old na siya, kaya huwag namang masyadong i-expect na bibirit siya nang husto.

“Walang taong ‘di nag-e-age. We cannot help it. So that’s it.


“I still have my voice. It never left, but it is just in a different form. And I have to work with what I have. I can no longer be who I used to be 10 or 20 years ago. I can’t sound like that,” pag-amin pa niya.


Pati na ang pagkakaroon ng bonggang production numbers na tulad ng ginagawa niya dati na may pa-harness ay imposible na rin.


“‘Di kaya ng powers ng lola n’yo,” pagbibiro ni Regine.


Pahabol niya, “Patawarin n’yo na ‘ko ru’n, baka magkabali-bali na ang buto ng lola n’yo!”


Isa rin sa mga dahilan ng desisyon niya na mag-retire na sa big solo concert ay nakararanas na siya ng ‘menopause voice’.


“It is dry, it is very hard to sing. So nag-crackle, nag-crack voice ko. I cannot access my head voice. There are so many things. It is complicated. I experienced that,” pagbabahagi niya.


Aniya, “One day I woke up because my voice was taken away from me.

“I couldn’t sing, nasintunado ako. And that does not happen to me — mawala ako sa timing, nakalimutan ko lyrics, but never sintunado.


“But then I experienced that. Nag-crack voice ko, and that is the reason.”

Anyway, magiging busy pa rin siya after ng 3-night concert. May bago siyang album sa Star Music, na mabibili sa mismong concert next month, kaya sa mga fans, magdala ng extra money para may pambili kayo at ang gaganda rin ng merch tulad ng concert t-shirt.


Sey pa ni Regine, open din siya na makipag-back-to-back concert, huwag lang daw solo big concert. 


Malay natin, baka puwede silang magsama sa concert ni Gary Valenciano at iba pang singers.


Ini-reveal din niya na next year ay magkakaroon siya ng musical play na ipo-produce ng Philippine Educational Theater Association (PETA), kung saan iikot ang story sa mga ginawang songs ng kanyang very sweet and loving hubby na si Ogie, na sumaglit sa mediacon para sorpresahin at batiin siya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page