HALOS 62 ANYOS NA; AI-AI DELAS ALAS, TINAPOS ANG MATINDING HYROX ROME

by BRO @Showbiz | September 27, 2026

Photo: Ai Ai Delas Alas on Instagram
Halos tatlong oras pinagtiisan ni Ai-Ai delas Alas ang matinding sakit at cramps sa magkabilang binti bago matapos ang HYROX Rome fitness race.
Sa Instagram, ibinahagi ng 61-anyos na aktres ang kanyang karanasan at sinabing ilang beses niyang gustong sumuko dahil sa sakit, pero pinilit niyang tapusin ang karera.
“Almost 62, still fighting, still dreaming, and still proving that I can,” ani Ai-Ai.
Noong Mayo, natapos din niya ang HYROX Hong Kong.





Comments