top of page
BULGARY - BARON, IBINUKING NG MISIS NA NASA SAFE PLACE_IG _baron.gesler.jpeg

ARCHIE, UMAPELA SA KORTE, TABLADO, GUILTY SA PANGHA-HARASS KAY RITA

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 27, 2026



WINNER - ARCHIE, LALONG NADIING GUILTY SA PANGHA-HARASS KAY RITA_IG _archiealemania & _missritadaniela

Photo: IG _archiealemania & _missritadaniela



Guilty pa rin si Archie Alemania matapos ibasura ng Bacoor Regional Trial Court (RTC) ang kanyang apela at pagtibayin ang naunang hatol na guilty sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela.


Ang kampo raw ni Rita ang nagbigay ng kopya ng naging desisyon ng korte sa GMA News Online.


Ang desisyon ng Bacoor RTC Branch 116 sa Cavite, dated August 3 at nilagdaan ni Presiding Judge Persephone Meir B. Belena ay nagpatibay sa pasya noong Oktubre 2025 ng Bacoor Municipal Trial Court in Cities (MTCC) Branch 2, na nagpatunay na nagkasala si Alemania beyond reasonable doubt sa acts of lasciviousness.


Matatandaan na nagsampa ng reklamo si Rita dahil sa alleged incident na nangyari sa Bacoor City noong September, 2024. Sapilitang hinalikan at hinawakan umano ni Archie sa maselang bahagi ng katawan ang aktres habang sakay ng kanyang kotse.


Nag-plead ng not guilty si Archie during the arraignment noong April 2025.

Na-deny ng RTC ang appeal ni Archie at kinatigan nito ang ruling ng MTCC Branch 2 sa kabuuan.


Ayon sa Bacoor RTC, “Wherefore, the appeal is denied. Accordingly, the decision of Municipal Trial Court in Cities of Bacoor City, Branch 2, in Criminal Case No. BCCR-25-0221 finding accused-appellant guilty beyond reasonable doubt for the commission of the crime of acts of lasciviousness under Article 336 of the Revised Penal Code is hereby affirmed in toto (full).”


Sinabi naman ng abogado ni Rita na si Maggie Abraham-Garduque na ‘very happy’ ang aktres sa naging desisyon ng korte.


Well, samu’t sari ang reaksiyon ng mga netizens sa naging desisyon ng korte kay Archie.

“‘Di lang binasehan ‘yung isinampa na kaso ni Rita. Sa interviews pa lang ng asawa n’ya, babaero s’ya at nananakit.”

“Yari ka ngayon! Kulong.”

“Manyakol, tama lang ‘yan.”

“Buti nga sa ‘yo, Alemanyak.”

Sabeee?





Netizens, ginulat… 

ANDREA, MALA-MARILYN MONROE SA BAGONG HAIRSTYLE



Hawig sa Hollywood star na si Marilyn Monroe si Andrea Brillantes matapos siyang magpa-blonde. 


Ginulat niya ang mga netizens sa kanyang bagong look. Nag-post si Andrea ng video kung saan ipinakita niya ang kanyang bagong hairstyle.


“Went blonDER,” caption ni Andrea sa kanyang post.





Agad na ikinumpara ng Instagram (IG) followers ni Andrea ang bago niyang blonde hairstyle kay Marilyn Monroe.

“Monroe.”

“Indeed.”

“Tisay na blonde si Monroe.”

“Marilyn Monroe vibes right here.”


Samantala, malapit na ang pagtatapos ng serye ni Andrea with Enrique Gil na A Secret in Prague.


This is maybe the reason kaya ipinaputol na ni Andrea ang kanyang long blonde hair na kasama sa karakter niya bilang si Chiara.


Nakatakda ring umapir si Andrea sa malaking homecoming event ni tennis superstar Alex Eala na may pamagat na Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate na magaganap sa Philippine Arena sa Disyembre 8.


Bago ang main match, magkakaroon muna ng isang fun exhibition match (Celebrity Tennis Match) kung saan makakasama ng mga propesyonal na atleta ang anim na sikat na personalidad sa Pilipinas.


Bukod kay Andrea Brillantes, kasama rin sa roster sina Manny Pacquiao, Anne Curtis, Piolo Pascual, Julia Barretto, at Donny Pangilinan.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page