top of page
BULGARY - BARON, IBINUKING NG MISIS NA NASA SAFE PLACE_IG _baron.gesler.jpeg

Kung dati, manang ang image… KATHRYN NA NAKA-PANTY LANG SA PICTORIAL, TANGGAP NG FANS

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 27, 2026



TEKA NGA  - KATHRYN NA NAKA-PANTY LANG SA PICTORIAL, TANGGAP NG FANS_IG _bernardokath

Photo: IG _bernardokath



Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala ang lahat na pumayag si Kathryn Bernardo na gawin ang sexy pictorial para sa kanyang Bench endorsement.


Bagama’t wala namang nakitang hindi kanais-nais sa kanyang poster dahil nakasuot naman siya ng underwear, still, hindi matanggap ng iba na kaya niyang gawin iyon dahil dati ay ‘manang’ ang image niya sa publiko.


May ilang grupo ng fans ni Kathryn na nagtanggol sa aktres at sinabing nasa tamang edad na ito para magbago ng kanyang image at hindi naman bastos ang kanyang sexy pictorial.


Ganunpaman, may ilang kritiko ang nagsasabing wala nang dapat patunayan pa si Kathryn dahil sikat na siya at tinatangkilik ang kanyang mga pelikula. Mahusay na drama actress si Kathryn, at dito siya nagustuhan ng lahat.


Hindi na niya kailangang magpa-sexy para umagaw ng pansin. Baka sa susunod niyang gawin ay magsuot ng tanga at mag-two-piece bikini.





‘Di na tatakbo sa 2028… 

SEN. ROBIN, MAHAL DAW ANG ‘PINAS PERO GAME NANG IWAN, TITIRA ABROAD



Buo na ang desisyon ni Sen. Robin Padilla na iwanan ang ‘Pinas at manirahan sa isang Muslim country tulad ng Brunei o Malaysia. Doon na raw siya mananatili kasama ang buong pamilya. 


Wala namang pagtutol si Mariel sa desisyon ng kanyang mister. Pareho nilang gusto ni Sen. Robin ang tahimik na pamumuhay.


Kaya hindi na rin tatakbo pa sa anumang posisyon si Sen. Robin sa 2028 election. Pagkatapos ng kanyang termino ay babalik na siya sa normal niyang buhay. 


Hindi inakala ni Sen. Robin na makakaranas siya ng grabeng pamba-bash at panlalait. Pati ang pamilya niya ay nadadamay sa mga isyung ibinabato sa kanya. Shocked siya sa mga kaganapan sa mundo ng pulitika.


Well, may ilang kritiko naman ang nag-comment na kung totoong mahal ni Sen. Robin ang Pilipinas, bakit siya aalis at pipiliing manirahan abroad? Hindi ba dapat ay pagmalasakitan niya ang ating bansa na lugmok ngayon sa hirap dahil sa corruption? 


Nasaan ang kanyang loyalty at tatalikuran na niya ang kanyang Inang Bayan?





Umani ng maraming papuri si Christopher De Leon nang i-launch siya noon bilang bida sa pelikulang Tinimbang Ka Ngunit Kulang (TKNK). Dito ay kasama niya ang ilang magagaling na artista, tulad nina Lolita Rodriguez at Mario O’Hara, atbp..


Ang TKNK ay isa sa mga pelikulang idinirek ng yumaong si Lino Brocka. Hanggang ngayon ay nagpapasalamat pa rin si Boyet kay Brocka dahil ito ang kanyang mentor upang makilala siya bilang magaling na aktor.


Maraming pelikulang nagawa si Christopher pero may ilang tumatak at espesyal sa kanya, tulad ng Relasyon at Broken Marriage. Kaya ang wish ni Christopher ay ma-restore rin ang dalawang pelikula para mapanood din itong muli ng marami.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page