Red tide alert

by Jeff Tumbado @News | November 14, 2026

Photo: File
Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa pangunguha, pagbebenta at pagkain ng shellfish mula sa apat na baybaying lugar sa Eastern Visayas matapos makitaan ng red tide toxins.
Ayon sa BFAR-8 advisory noong Nobyembre 12, kabilang sa mga apektadong lugar ang Carigara Bay sa Leyte, Irong-Irong Bay at Cambatutay Bay sa Samar, at Matarinao Bay sa Eastern Samar.
Pinapayuhan ang publiko na iwasan ang pagkain at lahat ng uri ng shellfish, kabilang ang alamang, mula sa mga nasabing lugar.
Samantala, ligtas pa ring kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango kung sariwa, nalinis nang mabuti at naalis ang mga lamang-loob, partikular ang bituka at hasang.





Comments