top of page
Search

ni Angela Fernando @News | Dec. 8, 2024



Photo: BFAR - WPS - Circulated, AFP file


Ginamitan ng barko ng China ng laser ang dalawang civilian vessel ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa West Philippine Sea (WPS) kamakailan, ayon sa mga ulat.


Wala namang nasugatan sa insidente, ngunit ilang crew ang nagsabing nakaramdam sila ng pananakit ng mata dahil sa itinapat na laser light ng nasabing bansa.


Magugunitang ang BRP Datu Matanam Taradapit at BRP Datu Tamblot ay nasa Hasa-Hasa Shoal upang maghatid ng fuel at food subsidy sa mga mangingisda.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 25, 2024



ree

Nagpahayag ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kamakailan na 44 na bangka ng mga mangingisda sa Bajo de Masinloc (BDM) o Scarborough Shoal ang binigyan ng tulong sa gasolina ng mga otoridad, na nagpapakitang dumarami na ang mga Pilipino ngayon ang nangingisda sa West Philippine Sea (WPS).


Sinabi ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera na 44,900 litro ng diesel, 217 litro ng inumin na tubig, at 20 galon ng malinis na tubig ang ibinigay sa mga mangingisda ng 'Pinas sa rotational deployment ng mga barko ng BFAR at Philippine Coast Guard (PCG) sa shoal.


Saad niya, "Ang maganda nito, kumpara sa nakaraan nating misyon, mas nadagdagan ang mga Filipino fishing boats na nabigyan ng ayuda. From 21 nung nakaraan, ngayon ay nasa 44."


Dagdag ni Briguera, magandang senyales daw ito dahil nagpapakita lang na nadadagdagan na ang mga mangingisda natin sa BDM.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 9, 2023



ree

Binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) nitong Sabado ang sasakyang pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na patungo sa Scarborough Shoal. 


Kasalukuyang nasa misyon ng paghahatid ng langis at iba pang kagamitan ng mga mangingisda ang sasakyan ng BFAR nang mangyari ang insidente.


Nagsimula ang pambobomba ng water cannon bandang alas-9:00 ng umaga at nagpatuloy ito hanggang alas-12:00 ng tanghali.


Base sa mga natanggap na ulat, humanap muna ng tiyempo ang CCG bago itinutok ang water cannon at direktang binomba ang nasabing barko ng ‘Pinas.


Suportado rin ng mga barkong-militar ng China ang mga bangka ng CCG na lumapit sa sasakyan ng BFAR.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page