Rebulto ni Bryant at ng anak na si Gigi, itinayo sa crash site
ni MC / Gerard Arce - @Sports | January 28, 2022

Itinindig ang isang rebulto ni NBA great Kobe Bryant at ng kanyang anak na si Gianna "Gigi" Bryant nitong Miyerkules sa mismong lugar kung saan bumagsak ang lulan nilang helicopter kasama ang pitong iba pa sa bulubundukin ng Los Angeles, dalawang taon na ang nakaraan.
Ang 160-pound (73-kg) bronze statue ng dalawa ay nakasuot pa ng basketball uniform habang hawak ni Gigi ang kamay ni Kobe habang inaakbayan siya ito.
Mismong ang iskultor na si Dan Medina na nagtayo ng rebulto sa 1.3-mile (2.1 km) na akyating burol ang bumati sa lahat ng fans na nagbigay pugay sa alamat ng sports.
"This is all on my own, no one asked me to do it," ayon kay Medina. "On this day, the second anniversary of the accident, I decided to bring it up from sunrise to sunset and create a bit of a healing process for fans.
"Today was special because I witnessed a lot of that. People would come up and they would leave with some sort of satisfaction."
Nakaukit din sa pedestal ng bakal na estatwa ang mga pangalan ng siyam na biktima sa umagang mahamog noong Enero 26, 2020 bago nangyari ang pagbagsak ng helicopter. Nakaukit din doon ang pamosong quote ni Bryant na: "Heroes come and go, but legends are forever."
Ikinagulat ng buong mundo lalo na sa mundo ng professional sports at milyun-milyong fans na nagluksa sa malagim na kamatayan ng five-time NBA champion sa kanyang 20 seasons sa Los Angeles Lakers sa edad na 41. Trese anyos ang kanyang anak na si Gigi nang kasama niya ito sa aksidente habang papunta sa isang youth basketball tournament.
Bumuhos ang tributes kay Bryant mula sa kanyang mga naiwang mga kaibigan, fans at dating teammates sa social media kahapon.
"I know many of you are out there and you miss him and still wish to see his brilliance on the court, and what he was doing as a dad," saad ni Lakers great Kareem Abdul-Jabbar hinggil kay Bryant, na ama ng 4 na anak na babae kay Vanessa.





Comments