Real gold, Luis, ha? CHAIN NG FACE MASK NI JESSY, HALOS P50 K!
- BULGAR
- Dec 8, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 08, 2021

Malapit nang mag-400,000 ang views sa post ni Jessy Mendiola na may suot na white face mask na ang chain ay gawa sa real gold. Mahal ang mask chain na gawa ng Manila Diamond Studio, pero sigurado kaming may mga bibili pa rin.
Sabi ni Jessy, “Super cool mask chain from @maniladiamondstudio made with REAL gold.
WOW. You can also use it as a necklace or bracelet! Get this multipurpose chain for P49,500.
Check out their page or website for more designs and options.”
Ang ganda ng mask chain at worthy ang price niyang mahal. Kaya lang, parang nakakatakot isuot kung maglalakad ka sa Cubao o Divisoria at feeling mo, any moment, may hahablot.
Bago bumili ng gold mask chain, ibili muna ng kotse.
Anyway, batay sa post ni Jessy, nasa Boracay sila ni Luis Manzano at nakakatawa ang mga comments ng mga netizens. May mga nagwi-wish na sana ay magka-baby na ang mag-asawa after their Boracay vacation.





Comments