Ravena, Pumaren, Jorge at Sabile, tampok sa TOPS on Air
- BULGAR

- Sep 17, 2020
- 1 min read
ni MC - @Sports | September 17, 2020

Bagong mga sports programs ang ilalatag ng MILO Best Center sa pangunguna ni Kiefer Ravena, nagsisilbing brand ambassador at Best Center graduate sa kanilang pagsasalita sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports on Air ngayong araw.
Makakatuwang niya sa pagpapaliwanag hinggil sa programa ng sports sina Luigi Pumaren, ang brand Sports Executive at Monica Jorge ang Executive Vice President ng Best Center.
Paglulunsad din ng Best Center programs online ang kanilang ihahayag sa diskusyon kasabay ng pagpapalakas pa sa Home Court Programs. Magkakaroon din ng mensahe si basketball MVP Ravena hinggil sa kanyang makabuluhang partisipasyon sa bagong mga Best Center programs, bagong mga updates sa kanyang career at paanyayang mensahe sa mga aspiring players.
Samantala, nakatakda ring maging guest si Mr. Joel Sabile, ang Bloodrunner Multisports Founder kasama ang kanyang maybahay na si Josephine Sabile upang talakayin ang hinggil sa pagpapalawig pa ng kanilang adbokasiya na tumulong sa mga katutubong Dumagat, Mangyan at Aetas sa pamamagitan ng online virtual running activities.Tampok din na guest sina Wushu SEAG gold medalist Agatha Wong, coach Bonnie Tan at coach Pido Jarencio.





Comments