top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ravena at Shiga, may fundraising para sa mga biktima ni Odette

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 3, 2022
2 min read

ni MC - @Sports | January 3, 2022





Magdaraos si Kiefer Ravena at ang team niyang Shiga Lakestars ng isang fundraising activities sa mismong dalawang home games nila ngayong taon, kung saan ang mga donasyon ay mapupunta sa mga biktima ng nagdaang bagyong Odette.


Binayo ng Typhoon Odette ang ilang bahagi ng Mindanao at Visayas nitong Disyembre 17, kung saan halos 4 na milyong katao ang naapektuhan. Nitong Enero 1, umakyat na sa bilang na 407 ang mga nasawi, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Inanunsiyo ng Lakestars nitong bisperas ng Bagong Taon na magdaraos sila ng fundraising kabilang na ang charity auction ng mga basketball shoes ni Ravena.


Ang charity activity ay idaoras sa home venue ng Lakerstars sa Ukaruchan Arena sa Japan. "I would like to invite you guys to the Shiga Lakestars home game on Jan. 2 and Jan. 3.


There will be a fund-raising event for the Philippines, to all the victims of Typhoon Odette. I would like to thank my Shiga Lakestars family for putting this up," ayon kay Ravena sa isang video para sa promosyon ng event.


"I appreciate all the efforts, and hope to see all the Filipinos out there. Let's all help our kababayans who were affected by the typhoon, so we can rise up and go back to our normal lives," dagdag niya.


Samantala, una nang umapela ng tulong para sa biktima ni Odette sa Pilipinas ang dalawang Filipino-American NBA personalities.


Nagpost sa social media sina Miami Heat coach Erik Spoelstra at Utah Jazz star Jordan Clarkson ng mga videos na nanghihikayat sa mga basketball fans na tumulong sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo.


Unang Asian-American head coach sa NBA, nakilala si Spoesltra matapos magwagi ng NBA championships. Si Clarkson naman, hinirang bilang 2021 NBA Sixth Man of the Year, ay nanawagan ng tulong malaki o maliit man ay mahalaga para sa mga binayo ng bagyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page