Ravena, 1 year na sa B.League; POC, naintindihan si Saso
- BULGAR
- Nov 9, 2021
- 2 min read
ni MC - @Sports | November 9, 2021

Isang taon na simula nang lumipat si Thirdy Ravena sa paglalaro sa Japan .
Sa kanyang Instagram post, ipinagdiwang ni Ravena ang anibersaryo ng kanyang unang araw ng paglalaro sa Japan Professional Basketball League (B-League) noong November 2, 2020. “Today marks the 1st anniversary of my debut game in the @b.league_official came a long way but even got a longer one to go,” ani Ravena sa caption.
Pinasalamatan din nito ang kanyang team, ang San-en Neophoenix, dahil sa pagiging bahagi ng kanyang Japan journey. “Just wanna thank @neophoenix_official for the opportunity and each and every one of you who have been part of this journey. Will keep working hard for y’all.”
Si Ravena ang unang Pinoy player na kinuha bilang Asian import na sinundan pa ng maraming Filipino players. Mula nang lumahok ito sa B.League bilang Asian import, ang kanyang kapatid na si Kiefer at apat na iba pa ay kinuha rin bilang Asian imports sa Division 1 ng liga.
Si Filipino player Matthew Aquino ay naglalaro naman sa liga bilang local dahil isa itong Japanese citizen. Dalawang Pinoy naman ang naglalaro bilang Asian imports sa Division 2.
Samantala, aminado si Philippine Olympic Committee (PoC) President Bambol Tolentino na mas malaki ang benepisyong makukuha ni golfer Yuka Saso sa Japan kaya naiintindihan nito ang kanyang desisyon na maging Japanese citizen.
Kabilang na rito ang social service, healthcare service at sponsorships. Ayon pa kay Bambol, nasa peak na rin ito ng kanyang career sa larangan ng golf kayat kailangan niyang piliin ang Japan dahil mas malaki ang suportang kanyang makukuha doon sa mga dadaluhang tournament.
Matatandaang naging two time gold medalist sa 2018 Asian Games si Saso at naging kinatawan ng bansa sa Tokyo Olympics at naging kampeyon din ito sa 2021 US open. Sa kabila nito, itinuturing pa rin siyang golfing hero ng Pilipinas ng National Golf Association of the Philippines.





Comments