Rape vs. star soccer athlete
- BULGAR

- Mar 5, 2023
- 1 min read
ni Ejeerah L. Miralles (OJT) | March 5, 2023

FRANCE — Nahaharap sa imbestigayon ang Moroccan national team soccer player na si Achraf Hakimi matapos makasuhan ng rape noong Huwebes ng gabi.
Ayon sa kanyang abogado, hindi totoo ang akusasyon na inilatag ng Judicial Supervision at isa lamang itong racketeering attempt o extortion.
Batay sa paunang imbestigasyon na inilunsad ng Nanterre prosecutor’s office, naganap umano ang panggagahasa sa 24-anyos na biktima noong Sabado sa bahay ng manlalaro sa Boulogne-Billancourt.





Comments