top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Adriano, dumagdag ng ika-2 bronze sa karate

Writer: BULGAR
BULGAR
14 hours ago
2 min read

by MC @Sports News | September 23, 2026



Adriano, dumagdag ng ika-2 bronze sa karate

Photo: Si Adriano sa isang maaksiyong laban sa Asian Games 2026. (pocmedia)



Nakuha ni Marie June Adriano ang pangalawang medalya ng Pilipinas para sa karate sa ika-20 Asian Games matapos makuha ang tansong medalya sa women's kumite -50kg division ngayong Miyerkules.


Tinalo ni Adriano, 22, si Ya-chi Chung ng Chinese Taipei, 10-3, sa laban para sa tansong medalya upang makuha ang kanyang unang medalya sa Asian Games.


Nauna nang tinalo ng Pilipinong karateka, isang bagong manlalaro sa Asian Games, sina Srey Phea Chonn ng Cambodia, 4-3, at Yang Yewon ng South Korea, 4-0, bago natalo nang muntik kay Tsang Yee Ting ng Hong Kong, 5-4, sa semifinals.


Ang tagumpay sa tansong medalya ay partikular na mahalaga para kay Adriano, na unang beses na sumabak sa pandaigdigang na kompetisyon sa Asian Games.


Nagdagdag din siya ng motibasyon laban kay Chung, matapos matalo sa parehong kalaban sa nakaraang dalawang paghaharap. Sinabi ni Adriano na pinagaralan niya ang kanilang mga nakaraang laban at ginawa ang mga kinakailangang pagsasaayos bago ang deciding bout.


“Pangatlong beses na po naming nagharap,” saad ni Adriano. Si Adriano na isang mag-aaral ng Human Kinetics sa PUP at tubong Llanera sa Nueva Ecija ay binigyang kredito ang kanyang pagsasanay, diskarte at kumpiyansa sa kanyang coach sa pagtulong sa kanya na manatiling maayos sa laban tungo sa bronze-medal.


“Mas nagtiwala po ako sa technique ko, sa kung ano 'yung baon ko, kung ano 'yung tri-nain ko para sa competition na ito,” aniya pa. Naalala rin niya ang paalala ng kanyang coach na manatili kampante at maghintay ng tamang pagkakataon para umatake.


"Sa atin na ito, sa amin na ito. Kailangan ko lang mag-work," aniya pa. Nagpapasalamat si Adriano sa pagkakataong kumatawan sa Pilipinas. "Super laking bagay niya para sa akin. As a first-timer, talagang 'yung pressure, nandoon lahat.


Sobrang happy po ako isa ako sa napili at nakapagbigay ng medalya para sa Pilipinas.” Ang tanso ni Adriano ang nagbigay sa Pilipinas ng pangalawang karate medal ng Palaro at ang ikalimang medalya nito sa pangkalahatan.


Nitong nagdaangaraw nakakuha rin ng bronze medal ang Philippine women’s kata team na sina Rebecca Cyril Torres, Samantha Emmanuelle Veguillas at Ysabielle Arrogante.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page