top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

RABIYA, SINUNDO NA SI JERIC SA AIRPORT, BINIGYAN PA NG FLOWERS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 8, 2023
2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 8, 2023



Si Jeric Gonzales na ang sumagot sa nag-comment ng, “Masyadong OA si Rabiya,” dahil sa ginawa niyang pagsalubong sa boyfriend sa airport nang dumating ito.


Kung si Jeric ay sobrang na-appreciate ang ginawa ng kanyang girlfriend na si Rabiya Mateo, para sa isang netizen ay ang OA raw ng pakulo nito.


Sagot ni Jeric sa tumawag na OA kay Rabiya, “Hindi po siya OA, baka hindi lang po kayo marunong maka-appreciate kasi kayo lang po ang nag-comment niyan dito sa comment section, lahat sila rito ay natutuwa. So, sana ay matuto po tayo na maka-appreciate ng goodness and not the negative things. I hope you find your happiness too para ma-feel n’yo rin ito.”


Dagdag pa ni Jeric, “Nakalagay pa naman po sa profile n’yo, ‘Choose to be happy’ so, sana ay happy din kayo para sa ibang tao.”


Bakit naman kaya nasabi ng naturang netizen na OA si Rabiya? Eh, ang nakasulat lang naman sa kanyang pa-welcome home banner para sa boyfriend na si Jeric ay, “Welcome home, Baby boy! Congratulations!”


Oh, baka naman para sa kanya ay ang OA ng ginawa ni Rabiya na pagbibigay ng flowers kay Jeric?!


Pero may paliwanag naman dito ang Kapuso actress kung bakit niya naisipang bigyan ng bulaklak ang boyfriend.


“I read somewhere that men would receive flowers for the first time during their funeral. Kaya babaguhin natin ‘yun.”


Sagot ng Kapuso actor, “@rabiyamateo Salamat, Babe. I love you.”


Ayun, kinilig ang mga kaibigan ng dalawa gaya ni Gabby Eigenmann, na nag-comment ng iba talaga si Rabiya at nag-agree naman si Jeric. Inamin din niya na kahit siya ay nagulat sa ginawang pa-welcome surprise sa kanya ng girlfriend.


Pati nga si Bea Alonzo ay napa-comment ng “Awwww! Cute,” na pinasalamatan ni Jeric.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page