Rabiya, aminadong lampa at hiyang-hiya sa balikong daliri
- BULGAR
- Oct 6, 2021
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 06, 2021

Ngayong tapos na ang reign ni Rabiya Mateo bilang Miss Universe-Philippines, masayang ibinalita ng beauty queen na mag-aartista na siya.
“Magso-showbiz na po ako. I’m gonna sign up with GMA, magiging isang Kapuso na po tayo and I’m excited to do acting and hosting na po in the future,” sey ni Rabiya sa panayam sa kanya sa Unang Hirit sa segment na Queen-tuhan.
“Welcome to the family,” sey naman ng host na si Lyn Ching-Pascual.
Napag-usapan din nga nila ‘yung kontrobersiyal na pagkakadapa niya sa final walk sa grand coronation night ng Miss Universe-Philippines 2021. Inamin ng beauty queen na lampa siya talaga.
“Ako, aminado po ako na lampa po talaga ako,” sey ni Rabiya sa panayam sa kanya. “So, during that time, natapakan ko 'yung gown ko, tapos dumire-diretso ako.”
Nasa unahan nga raw ang former beauty queen din at friend niyang si MJ Lastimosa na nakita rin ang pangyayari.
“And that time, si MJ Lastimosa, she was sitting in front kung saan ako nadapa, and I heard her saying ‘Oh, oh, oh,’” kuwento ng dalaga.
Hindi na raw big deal ang pangyayaring katulad nito dahil lagi raw itong nangyayari sa kanya.
“It happens all the time talaga, that's why for me, it's not a big deal kasi nga minsan, kahit naka-tsinelas ako, talagang nadadapa ako,” sey niyang natatawa pa rin.
Pinuri naman siya nina Lyn at Suzi Entrata-Abrera dahil nga with grace pa rin siyang bumangon at ‘yun daw ang importante. Mahirap din daw talaga na maglakad nang naka-mataas na takong at naka-gown.
“Sobrang hirap. Ang dami ring nagdyo-joke sa 'kin. Sabi nila, 'Baka talagang sinadya mo na magpakahulog ka para trending ka ulit kahit pa-exit ka na,'” sey pa ni Rabiya.
Pero bukod sa pagiging lampa, ini-reveal ni Rabiya na isa sa mga insecurities niya talaga ay ang kanyang daliri na baluktot o kung tawagin ay “swan-neck” deformity.
“I have 'swan-neck' deformity. Hindi talaga siya straight. Baliko talaga siya,” pagbabahagi ni Rabiya.
“So I'm having trouble minsan sa mga shots na kailangan ang kamay kasi ang tigas-tigas niya. Hindi siya nakakaganda,” sey pa niya.




Comments