Nagda-drive, hawak ang cellphone at naka-live… LISENSIYA NI BINI MIKHA, SINUSPINDE, SUMUKO SA LTO

ni Vinia VIvar @Frankly | November 12, 2026

Photo: IG _bini_mikha _FB Circulated
Pinatawan ng 90-araw na preventive suspension ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng BINI member na si Mikha Lim kahapon, Miyerkules, Nobyembre 11. Ito ay matapos mag-viral ang video ng livestream niya sa Weverse kung saan nakitang gumagamit siya ng cellphone habang nagmamaneho.
Mapapanood din ang biglang pagkahulog ng cellphone ni Mikha habang nagmamaneho, ang pag-abot niya sa ibabang bahagi ng sasakyan upang kunin ito, at ang muling paghawak niya sa device gamit ang dalawang kamay habang nasa biyahe.
Dahil dito, posibleng maharap si Mikha sa paglabag sa Republic Act No. 10913 o Anti-Distracted Driving Act, na nagbabawal sa paggamit ng mobile devices at iba pang electronic gadgets habang nagmamaneho.
Bilang bahagi ng desisyon, naglabas ang LTO ng Show Cause Order (SCO) na nag-aatas sa singer na magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat patawan ng karagdagang parusa o tuluyang bawiin ang kanyang driver’s license.
Binigyang-diin ng pamunuan ng LTO ang patas na pagpapatupad ng batas ukol sa kaligtasan sa kalsada.
“Whether famous or not, everyone is expected to abide by traffic laws. If found to have violated them, the LTO will impose the appropriate penalties,” pahayag ni LTO Chief Assistant Markus Lacanilao.
Samantala, bagama’t sa November 20 pa pinapupunta si Mikha sa LTO, kahapon ay nagtungo na rin agad siya sa tanggapan ng ahensiya upang magpaliwanag at harapin ang reklamong inihain sa kanya.
ISANG karangalan para sa Pilipinas at sa beauty industry ang iniulat na pagkilala kay Dra. Mary Rose ‘Rahm’ Dagdag bilang Best Skincare Formulator for PDRN (Polydeoxyribonucleotide) Product sa 22nd Japan Bioformulation 2026.
Si Dra. Rahm, na founder at CEO ng ZY Shop Worldwide Company at ZY BioScience Corporation ay patuloy na gumagawa ng pangalan sa larangan ng cosmetic science at skincare innovation.
Sa mahigit 12 taon ng kanyang paglalakbay sa negosyo, naging bahagi ng kanyang misyon ang pagbuo ng makabagong skincare products at pagtulong sa mga Pilipinong nangangarap magkaroon ng sariling beauty brand.
Isa sa kanyang pinagtutuunan ng pansin ang PDRN skincare formulation, na gumagamit ng sangkap na pinag-aaralan para sa skin-conditioning at rejuvenation applications.
Bukod dito, aktibo rin siyang nagsusulong ng entrepreneurship education sa pamamagitan ng ZY Entrep Academy at mga programang pangkomunidad ng ZY Shop Foundation.
Kung papipiliin daw siya kung sino ang gusto niyang maging celebrity endorser ng kanyang mga produkto, diretso niyang sinabi ang pangalan ng aktres na si Kathryn Bernardo.
“If given a chance, gusto kong maging endorser si Kathryn Bernardo. Because aside from being a big star talaga and a good actress, Kathryn fits the morena skin in my formulation,” pahayag ng skin care specialist.
In fairness, artistahin din ang dating ni Dra. Rahm at medyo kahawig pa nga niya si Kathryn.





Comments