top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Quiboloy, kinasuhan sa sex trafficking…“ISA-ISA NANG TINATAWAG NI SATANAS” — DANIEL

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2021
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 21, 2021





Maaanghang ang pinakawalang komento ng mga Kapamilya stars na sina Angel Locsin at Daniel Padilla kaugnay ng balitang kinasuhan ng sex trafficking ang pastor na si Apollo Quiboloy.


Si Quiboloy ang founder at leader ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc.. Pakilala pa ng pastor, siya ang "Appointed Son of God".


Sa Instagram post ng ABS-CBN News lumabas ang balitang sinampahan umano ng kasong sex trafficking si Quiboloy, kasama ang iba pang opisyales ng kanyang relihiyon na naka-base sa America.


Ayon sa anunsiyo ng US Prosecutor, ang isinampang kaso ay dahil diumano sa pang-aabuso sa mga kababaihang nasa edad 12 hanggang 25 ng ilang opisyal ng naturang relihiyon.


Isa nga si Angel Locsin sa mga agad na nagkomento: “Minor = Rape. Sana maprotektahan agad 'yung mga naglakas-loob na magsalita.”


Pero, mas matapang ang hirit ni Daniel Padilla na: “Isa-isa nang tinatawag ni Satanas.”


Matatandaang si Quiboloy din ang 'nakabangga' ni Vice Ganda nang sabihin ng pastor na siya ang nakapagpahinto ng sunud-sunod na lindol na rumagasa sa Mindanao noon.


Dahil dito ay nagbiro ang It's Showtime host na patigilin nito ang matinding traffic sa EDSA at ang longest-running series ni Coco Martin na Ang Probinsyano


Pinatulan naman ng pastor ang biro ng TV host-comedian at sagot ni Quiboloy, “Kailan mo ba gustong mapa-stop ang Ang Probinsyano? Ikaw, magpili ka, kelan mo ba gustong mai-stop?


"Isang buwan? Dalawang buwan? Tatlong buwan? Apat na buwan? Ikaw, pili ka.


“Baka sa apat na buwan, hindi lang 'yung Probinsyano ang mai-stop, baka pati 'yung network mo, stop na ‘yan.”


Nangyari ngang napatigil ang operasyon ng ABS-CBN.


Ngunit ngayon, mukhang si Quiboloy naman ang sinusubok ng kapalaran dahil bukod sa P100 milyong libel case na isinampa sa kanya ni Sen. Manny Pacquiao, ngayon ay nahaharap din nga ito sa mas matinding kaso ng sex trafficking


Wala pang ibinibigay na detalye ang pastor hinggil sa kasong kinasasangkutan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page