top of page

QuadComm probe as EJK, aksaya lang ba sa panahon?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 17, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Oct. 17, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

KUNG SASABIHIN NG QUAD COMMITTEE NA ILEGAL NA GINAMIT ANG CONFI FUND NI EX-P-DUTERTE BAKA MARAMING SEN. AT CONG. ANG SUMABIT, DAHIL SILA ANG NAG-APRUB NITO SA EX-PRESIDENT -- Bubusisiin daw ng Quad Committee ng Kamara kung ang naging confidential funds ni ex-P-Duterte noong presidente pa ito ng bansa ang ginamit sa reward system sa “war on drugs” ng nakaraang administrasyon.


Kung sakaling sa “war on drugs” nga ginamit at palabasin ng QuadComm na ilegal ang paggamit dito, aba’y sangkaterbang senador at kongresista rin ang sasabit diyan, kasi nga silang mga sen. at cong. ang nag-aprub noon sa confi funds ni ex-P-Duterte, period!


XXX


MAINAM KUNG SA ‘WAR ON DRUGS’ NAPUNTA ANG CONFI FUND NI EX-P-DUTERTE DAHIL MAY PINAGGAMITAN, ANG TANONG: CONFI FUND NI PBBM SAAN KAYA GAGAMITIN? -- Kapag lumabas sa imbestigasyon ng QuadComm na sa “war on drugs” ng Duterte admin ginamit ng ex-president ang kanyang confidential funds, aba’y mainam iyan na nalaman ng mamamayan na may pinaggamitan naman pala ang confi fund ng dating pangulo.


Kumpara naman sa P10.9 billion confi funds ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na inaprub ng mga sen. at cong. pero walang detalye kung saan ito gagamitin ng Pangulo, boom!


XXX


QUADCOMM PROBE SA EJK, AKSAYA LANG SA PANAHON? FINDINGS NITO HINDI NAMAN DAW IPAPADALA SA ICC -- Sabi ni Executive Sec. Lucas Bersamin na anuman daw ang kalabasan ng imbestigasyon ng QuadComm tungkol sa extrajudicial killings (EJK), ang resulta raw ng findings ay hindi ipapadala ng Marcos administration sa International Criminal Court (ICC) dahil wala naman daw plano si PBBM na ipasailalim uli ang Pilipinas sa jurisdiction ng ICC.


Kumbaga, kulang na lang sabihin ni Bersamin na nag-aaksaya lang ng oras ang QuadComm kasi nga wala naman daw plano ang Presidente na ipadala ang committee report ng Kamara sa isyung ito sa ICC para gamiting ebidensya sa mga sangkot sa sinasabing EJK sa bansa sa panahon ng Duterte admin, period!


XXX


HINDI DAPAT DINISMIS NG OMBUDSMAN ANG KASO KAY EX-DOH SEC. FRANCISCO DUQUE -- Dinismis ng Office of the Ombudsman ang kasong administratibo na isinampa laban kay former Dept. of Health (DOH) Sec. Francisco Duque na may kaugnayan sa P41 billion Procurement Service-Dept. of Budget and Management (PS-DBM)-Pharmally scam.


Sa totoo lang, hindi dapat dinismis ang kasong ito laban kay Duque kasi kung hindi niya inilipat sa PS-DBM ang P41B DOH fund na pambili ng face mask at face shield, ay hindi sana nakapang-scam sa kaban ng bayan ang Pharmally, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page