top of page
FRANKLY - ALFRED- 7-ANYOS KONG ANAK, NANGANIB, IPINAHIYA SA MARAMING TAO, NA-TRAUMA!_FB Al

‘Di raw away-bata lang ‘yun, Rob… ALFRED: 7-ANYOS KONG ANAK, NANGANIB, IPINAHIYA SA MARAMING TAO, NA-TRAUMA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 31, 2026



FRANKLY - ALFRED- 7-ANYOS KONG ANAK, NANGANIB, IPINAHIYA SA MARAMING TAO, NA-TRAUMA!_FB Alfred Vargas

Photo: Alfred Vargas / FB


Inamin ng aktor-pulitiko na si Alfred Vargas na parang gumuho ang kanyang mundo nang malaman niya na ibinasura ng Manila City Prosecutor’s Office ang Child Abuse Complaint na isinampa niya at ng misis na si Yasmine laban sa aktor na si Rob Sy at partner nito.


Sa bagong statement na inilabas ng aktor-pulitiko sa kanyang social media accounts, ipinauna niya ang pasasalamat sa lahat ng suportang natatanggap nila kaugnay ng kaso.

“Labis-labis ang aming pasasalamat sa walang patid na mga mensahe ng suporta na aming natanggap at patuloy na natatanggap mula sa inyong lahat,” bungad ni Alfred.


“Aaminin ko na nanlumo ako pagkabasa ko ng desisyon, parang gumuho ang mundo ko. Naawa ako sa aking mga anak, nahiya ako sa kanila. I felt like I failed them as a parent,” patuloy niya.


Dahil sa nangyari, napatanong ang aktor kung sino pa ba ang puwede nilang takbuhan ngayon.


“Wala na ba kaming matatakbuhan? Wala na bang tutulong sa anak kong biniktima ng paulit-ulit na bullying?” aniya.


Para kay Alfred, hindi lang ‘away-bata’ tulad ng sinasabi ng iba ang naranasan ng kanyang anak.


“Seven years old lang ang anak ko. Sinaktan s’ya nang paulit-ulit, binigyan ng trauma, nalagay sa panganib ang buhay niya, ipinahiya sa harap ng maraming tao. Sinira ang kanyang dignidad.


“Tapos, sasabihin na ‘away-bata’ lang at wala na kaming magagawa? Paano na ‘yung anak ko na biniktima? Wala ba s’yang karapatang mabuhay nang ligtas at walang takot?” pahayag niya na ramdam na ramdam mo ang sakit na nararamdaman para sa kanyang anak.


Kaya naman labis na na-appreciate ni Alfred ang lahat ng nag-message sa kanila ng mga encouraging words at nagpahayag ng pagsuporta.


“But in our moment of doubt, all of you gave us clarity and purpose. You gave us strength. Nalaman namin na ‘di kami nag-iisa.


“Yasmine, my children, and I are overwhelmed with gratitude,” ang mensahe ni Konsehal Alfred Vargas sa kanilang mga supporters.





MAGBABALIK-AKSIYON na si Coco Martin! 


Muling mapapanood gabi-gabi sa telebisyon ang “Ang Hari ng Aksyon sa Ating Henerasyon” kasama ang prime actress na si Julia Montes sa Coco Martin’s Sigabo simula Hunyo 22.


Tatak-Coco Martin na walang humpay na aksiyon ang handog ng aktor sa mga manonood sa Sigabo


Ang inaabangang ABS-CBN serye ay mula sa orihinal na konsepto ni Coco, kasunod ng makasaysayang pag-ere ng mga programang minahal ng sambayanang Pilipino na pinagbidahan niya na FPJ’s Ang Probinsyano (AP) at FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


Siksik sa aksiyon, kilig at katatawanan, at puno ng mahahalagang aral ang masusubaybayan ng mga manonood gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes.

Bagong putahe naman ang handog ni Coco at ng ABS-CBN na tiyak na tatatak sa puso ng mga Pilipino, katulad ng matagumpay na pag-ere ng FPJ’s Ang Probinsyano, na naging longest-running action-drama series sa Pilipinas, at ng FPJ’s Batang Quiapo, na naging pinakapinanonood na primetime series sa loob ng tatlong taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page